Epilogue

59.5K 2.2K 1.1K
                                    

Hello! Thank you so much for reading the first installment in De Silva Series 2nd generation. Salamat din po sa patuloy ninyong pagsuporta sa pamilyang ito. Sana ay  nariyan pa rin kayo hanggang sa mabuo natin ang bawat istorya ng magpipinsan. Magustuhan niyo sana ang hinanda ko sa kanilang lahat. Pero s'yempre, secret muna sa ngayon. Hehe :)

Merry Christmas sa inyo! Labyu!

*

“After all this, there is only one thing to say: Have reverence for GOD, and obey his commands, because this is all that we were created for. GOD is going to judge everything we do, whether good or bad, even things done in secret.” – Ecclesiastes 12:13-14

**

Epilogue 

Dylan

She pulled away first. I closed my lips and cleared my throat. Nasa ibabaw pa ng hita ko ang dalawang kamay ni Mica at tinitigan ako nang malalim. I looked away. I took my glass of brandy that is sitting beside me and sipped. Medyo nagtaka ako sa bigla niyang paghinto sa halikan namin. I booked this room for us here in Manila Palace Hotel. 

She suddenly slapped my thigh. Binalingan ko siya ulit. Akala ko ay nagalit pero tila natatawa siya nang tingnan ko. 

“You idiot. Sa lahat ng naging girlfriend mo, ako ang nagtagal, hindi ba? Nararamdaman ko, Dylan. May iba sa ‘yo.”

She’s right. Dahil maayos kasama si Mica. Hindi siya demanding. Siguro dahil na rin busy siya sa trabaho at mas iyon ang focus niya. Hindi ako. Habang ako ay hindi rin siya ang priority. Later on, may napagtanto ako. May nasabi sa akin si Deanne na napaisip ako. 

I grinned and sipped on my glass again. “Akala ko okay na sa ‘yong mag break tayo? I am giving you our last making out then you suddenly pulled off because of what? Because you know something about me? C’mon, Mica. Get to the point.”

“Ha! May gusto kang iba. Ginagawa mo lang panakip butas ang pag-g-girlfriend. From the very beginning, you were just faking your sweetness to me.” 

Humalukipkip na siya at sumandal sa sofa. 

“Kaya nga hindi ako nagulat na nakikipag break ka sa akin. Nakakita ka ng bagong pantakip?”

Nalusaw ang ngisi ko. Kahit na hindi ako seryoso sa kanya, hindi ko pa rin gusto ang konklusyon niya sa pakikipaghiwalay ko sa kanya. Nilagok kong lahat ang laman ng baso. 

“Wala na ako sa hulog na makipag commit ngayon sa kahit kanino.” 

Iniwasan kong tingnan siya sa mukha. Inahon ko ang likod sa pagkakasandal sofa. All the horniness I felt was now washing away. But in my peripheral vision, she tilted her head. She wasn’t even affected about what I had said. 

“I know why. Kasi ang gusto mong maging girlfriend ay ayaw makipag commit sa ‘yo. What a bad luck to you, sweetheart. Sino, ha? Marami akong kilala sa modelling and showbiz industry at baka nakabangga ko ‘yan-“

“She’s out of your league!” 

“I am just asking you. Pikon ka namang masyado.”

Umigting ang panga ko. Tumalim ang titig ko sa carpet ng sahig. After a while, I felt doomed for what I had said. Tumawa pa nang malakas si Mica at isang beses akong hinampas sa balikat. Fuck. I massaged my temple. 

“My poor Dylan. Muk’ang tinamaan ka r’yan, a? Hindi maka-first move?”

“Shut the fuck up.”

She just laughed harder. Ayoko na ring makipaghalikan sa kanya. Last na ‘yon. Kahit mag-request siya, nawalan na ako ng gana. 

“I’m leaving.” I stood up and took my coat from the armrest. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon