“The wicked are trapped by their own words, but honest people get themselves out of trouble.” – Proverbs 12:13
**
Chapter 19
Ruth
I sighed and cringed while staring nervously at the small box I am packaging. Tumabi ako sa gilid ng Philpost Office para hindi makaabala ng ibang nagpapadala. I was given a box. Ito ngayon ang inaayos ko at nilalagyan ng ilang pagkaing Filipino. I didn’t buy much. Sa tingin ko nga, hindi rin mahalaga itong pinagbibili ko. Ang main goal ko ay mapadala at mabasa ni Lola Socorro ang sulat ko. And the food? May mga Asian Stores na ngayon sa America. Pero naglagay pa rin ako ng dried mangoes at ilang delicacies mula rito sa Pinas.
I bit my lip over and over again. Okay na ba ‘to? Oo naman! Alangang mag backout pa ako. E, nandito na ako. Sayang ang oras at pera kung uuwi ako.
Namaywang ako at bumuntong hininga. Siniksik ko sa gilid ang sulat at litrato ko. Nagtatanong ako kung bakit ayaw niya akong makausap. I wanted to know about my mother and her, too. I also wrote my current status. That I am studying Journalism. Malapit nang gum-graduate. Nilagay ko rin ang contact details ko. Just in case, gusto niyang siya ang tumawag sa akin. I will make myself available whatever it takes.
I squared my shoulders and went back to the counter. Tiningnan ako ng staff. Naiwang nakabukas ang malaking listahan ng presyo para sa cost ng shipping. Lagpas isang libo iyon. Naalala kong tiningnan niya ako ng dalawang beses pagkatapos nitong sagutin ang tanong ko. Tinimbang niya ang box. Mukhang hindi namang lumagpas at pasok pa sa presyong nakalagay sa list nila.
“Wala ka nang ilalagay? Medyo maluwag pa ‘tong box mo, Miss. Pwede ka pang humabol. Chichirya o ano. Para sulit ang bayad mo.” sabi niya habang inaayos ulit ang nailagay ko na sa loob ng kahon.
Umiling ako at binuksan ang bag ko. I took out my wallet and a two thousand bills. “Wala na po.” nilapag ko ang pera sa counter.
Hindi na kumibo ang lalaki at tahimik nang inasikaso ang padala ko. I filled out the shipping details. He took my cash and gave my change. Medyo natagalan siya sa paghahanap ng sukli sa akin. Hindi ako nagsalita habang naghihintay. My mind was occupied about Lola Socorro. Sana lang, sana buksan niya ang padala ako.
At kung hindi siya sumagot sa akin, kung maghintay pa ako ng ilang buwan, siguro ay magpapadala ako ulit. I will try my luck. Life is short. Atleast, habang nabubuhay ako, gumawa ako ng paraan para makipag ugnayan sa kanya. Whatever purpose it may serve.
My graduation is approaching. Nagsisimula na kaming mag prepare sa school. Though, may mga kailangan pang i-complete bago makasampa sa stage at kailangan kong magbabad sa library para sa mahihirap na subjects ko. Mayroon pa ring excitement akong nararamdam. Sa wakas, nakatapos din ako. Sabi nga nila, hindi pa ito ang ending ng paglalakbay ko, magsisimula pa lang ako sa tunay na gyera sa buhay.
In-a-apply ko ang mga natutunan ko sa Bangon sa career path ko. Though, most of the time, pang entry-level ang task ko, okay pa rin iyon. Kasi habang nasa internship ako, nakikita ko naman ang kalakaran sa industriyang gusto ko. Isa pa, nagkakaroon ako ng ilang kakilala. I have to broaden my connections and sources. Someday, alam kong magagamit ko rin iyon.
Kaya hindi dapat ako ma-distract ng kahit ano o kahit sino. Wala muna ako iisiping bagay na walang kinalaman sa school ko.
Minsan . . . naiisip ko si Dylan. Even if he could occupy my mind, I have the power to restrict my head and diverted it to other things. Pero minsan, nakakalusot. Hindi ko siya naiisip nang solo. Naalala ko naman ang nangyari sa akin ng umagang iyon sa apartment ko. How uncomfortable I was with my underwear. I couldn’t believe. I simply couldn’t believe it!
![](https://img.wattpad.com/cover/77786468-288-k363369.jpg)
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.