Chapter 8

13.7K 441 15
                                    

The next day was another day of hell for me.


"Hey! Look at this! Ang alikabok pa rin! Bulag ka ba ha?! Linisan mo ulit!" I am so freaking sick of her voice! Napaka bossy! Clean freak! Money hungry! Bitch!


Nakapamewang ito habang dinuduro ako, kanina pa siya patawag nang patawag sa akin para paglinisin ako sa kwarto nila ni Damon. And Damon just let her. Naroon lamang ito sa opisina niya. Minsan ay pinapatawag din ako nito para utusan kahit alam niyang may pinapagawa pa ang babae niya sa akin. Nakakahalata na nga sila Ate Tess at Ate Miray, pero wala naman silang magawa. Gusto man nilang sila ang maghatid ay takot sila kay Damon.


"What the fuck are you doing?! Mag-ingat ka nga?! Sa US ko pa nabili 'yan at mas mahal pa 'yan kaysa sa 'yo, your salary won't even afford to buy me a new one!" She shrieked when her glass slipper almost slipped away from my hand after I wiped it. Ano siya si Cinderella? Mas bagay siyang maging si Anastasia. Matapos maglinis ay handa na sana akong lumabas ng muli siyang magsalita.


"Igawa mo ako ng meryenda, gusto ko ng pasta at strawberry shake, pakibilisan, hatid mo rito after," Marahas akong bumuntong hininga at walang imik na lumabas.


Gosh! Konti na lang talaga babalian ko na ng leeg ang babae na 'yan. Tahimik kong ginawa ang inutos nito at pagkatapos ay nilagay ko lang iyon lahat sa tray at maingat na tinungo ang hagdan. Wala pa ako sa kalahatian ng makita ko si Damon, nakapamulsa itong pababa sa hagdan. He stares at me blankly, and I can't help but stare back at him.Nahinto ako ng tuluyan kaming magkalapit, hindi ako sigurado kung gusto niyang gumilid ako. Pero hindi ko ginawa dahil baka matapon ang dala ko.


"Master? May kailangan po kayo?" umiwas siya ng tingin at bumaba na, completely ignoring me. Pahiya ako ron, slight.


Mabuti na lang at abala sa pakikipag video call si anaconda ng ihatid ko ang inutos niya. Mabilis akong nakaalis ng hindi niya ako inuutusan pa. I went back to the kitchen to prepare lunch when I bumped into someone right before I stepped inside. Mabuti na lang nagawa niya akong saluhin, kung hindi ay baka nabagok na ako nang mawala ang balanse ko. My eyes widened in shock when I met his ocean blue eyes. I could feel electricity rushing through my spine when our skin touched. Halos hindi ako agad nakakilos. My heart started to pound fast. Nabalik lang ako sa wisyo ng bigla niya akong bitawan dahilan para tuluyan akong bumagsak sa sahig, na kinangiwi ko. Wtf?! Gusto ko na sana siyang sigawan kung hindi ko lang naalala na si Rene ako rito at hindi si Katherine.


"Pasensya na po master," Nakangiwing sabi ko ngunit iniwan niya lang ako roon ng walang binibitawang salita. Pumasok ako ng tuluyan sa kitchen at naabutan ko si Ate Tess na naglilinis.


"Wala nang inutos sa 'yo?" napabuga ako ng hangin at bagsak ang balikat na umiling.


"Akala ko walang balak tumigil eh, akala mo talaga kung sino."


"Correct! Naawa na ako sa 'yo kanina pa, susko! Ang haba-haba ng hagdan na inaakyat-baba mo dahil sa ambisyosang babae na 'yon!"


"Walang magagawa, si Master ang nagdala sa kaniya rito kaya siguro nga may karapatan siyang mag feeling."


"Hindi naman bagay," naghagikhikan kami ng dumating si Ate Miray. Katatapos niya lang maglaba.


The Lure Of Vengeance (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon