Nakayuko ako ng pumasok kami sa dine hall, takot na makilala ako ni Manang Josie at nila Ate Tess.
"This is Katherine Reiss, my fiancé. From now on, she will live here with us," hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa ginawa niyang pagpapakilala sa akin. Hindi naman kasi niya ipinakilala si Anaconda sa amin no'ng dalahin niya ito rito. Naiilang akong tumingin sa tatlong nakatingin lamang din sa akin. Kinakabahan ako na baka makilala nila ako pero wala naman akong nakitang kakaiba sa emosyon nila. Magalang silang nag bow sa harapan ko bilang pagrespeto at pagbati, sa taong magiging asawa ng boss nila.
"Mukhang mabait siya 'no?"
"Mas better naman siya kaysa kay Francine."
"Saka mas mukha siyang may class, mukhang mayaman, ang ganda beh! Wala pang make up 'yan omg!" Gusto ko silang yakapin sa narinig pero tumikhim lang ako at naupo na. They started to serve our dinner, and we ate silently. Umalis na rin naman sila ng matapos kami ni Damon. I somehow missed my role here. Namiss ko na magluto, maghugas ng pinagkainan ni Damon, maglaba at magsilbi rito kasama sila Ate, imbes na pagsilbihan ako. Nakasunod lamang ako kay Damon hanggang sa makarating kami sa second floor. Hindi ko alam ang sunod na hakbang na dapat gawin. Where should I stay?
"C'mon," nilingon ko siya at salubong ang kilay na nakatingin siya sa akin waiting for me to catch up. Nang makita kong binuksan niya ang pinto ng kwarto niya at nilakihan ang pagkakaawang nito habang nakagilid, alam ko nang doon ako tutuloy.
Tahimik akong pumasok. Parang kailan lang noong bihira akong makapasok dito para kunin ang labahan niya. Now I entered it and it wasn't for the same reason anymore.
"You can change your clothes and sleep after," napansin kong dumeretso siya sa kaniyang table rito sa kwarto niya. He took his laptop out. Hindi na ako nagdalawang isip na sundin siya dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.
Matapos magbihis ay kaagad na akong nahiga at tuluyang nakatulog. Nagising ako kinabukasan na tila napakagaan ng pakiramdam. I squeezed my eyes first. Bago ko iyon binuksan at nilibot ang tingin. Hindi ko nakita si Damon, kahit ang anino niya ay wala sa loob ng kwarto niya. That's when I remembered what he said yesterday, at agad na may tumambol ang dibdib ko sa naalala. Oo nga pala, may sinabi siya na pag-uusapan namin. Muntik ko na makalimutan at dahil naalala ko bigla nanaman akong nilamon ng kama.
Hinawi ko ang kurtina sa kwarto ni Damon at dinama ang sinag ng araw habang umuunat. After that, I walked toward Damon's closet barefooted and took one of his sleeves at kumuha ng underwear sa bag na dala namin kahapon. Mas gusto ko nang suotin ang damit niya at sana lang ay hindi siya magalit.
Pagkatapos mag shower ay nagpatuyo lang ako ng buhok hanggang sa bumalik nanaman ang natural nitong pagkakaalon. I didn't put anything on my face and decided to leave the room so I could have my breakfast, ngunit muntik na akong mapatalon nang maabutan si Rommel sa labas ng kwarto, nakatayo ito sa gilid ng pintuan, magka-cross ang dalawang kamay sa kaniyang likuran at nakatayo ng tuwid tila hinihintay akong lumabas. I don't know how I should address him, so I choose to stay silent and wait for him to speak.
"Gising na po pala kayo Miss Katherine, hinihintay na po kayo ng master sa private room niya," kumunot ang noo ko, private room? Hindi sa opisina niya?
BINABASA MO ANG
The Lure Of Vengeance (Published)
قصص عامةPUBLISHED UNDER IMMAC PPH | MATURE CONTENT: R-18 (Sensitive topic ahead) Daunted by the news that she's going to marry the tormented, dark, and cold Damon Lucifer Dankworth, Katherine Reiss decided to run away from her parents and disguise herself t...