Chapter 24

11.9K 431 30
                                    

Gumising ako kinabukasan na muling naramdaman ang tila hinahalukay ang tiyan ko. I know there's something wrong with me. Hindi na ito basta kung ano lang. Should I see our family doctor? I was about to call Tita Maris, our family doctor and Fern's mom. Ngunit nang makarinig ng tila mga nababasag na bagay ay kaagad akong napalabas ng kwarto. Dalawang araw na, simula ng dalahin ni Damon si Dimaria rito at simula noon, hindi ko siya kailanman kinibo. Gano'n din naman siya sa akin. Hanggang ngayon, palagi akong gumigising ng wala siya—pero sa narinig ko, natitiyak kong naririto siya sa mansion ngayon.


Tinungo ko ang lugar kung saan ang ingay at dinala ako sa opisina ni Damon. Papasok na sana ako ngunit agad akong napatago ng makitang may kausap ito sa phone niya, habang kalat-kalat na ang mga gamit niya sa sahig. Marahil iyon ang narinig ko kanina.


"Look for her, track their location, don't ever let them escape, and get Dimaria back! You need to bring her back to me! And for those rascals who took her! Make sure to take away their breath or else I will kill you!" kita ko ang galit sa mga mata ni Dame. Galit na nagsasabing kayang kaya niyang kumitil para sa babaeng 'yon. Hanggang ngayon, wala akong nalalaman na ugnayang mayroon sila ni Dimaria. Puro hinalang magkaibigan sila. Pero sa nakikita ko, they're not just business partners nor friends. She must be Dame's greatest first love. At hindi ko gusto ang ideya na 'yon.


Aalis na sana ako ng biglang lumabas si Damon ng opisina niya. Hindi ko man lang namalayan na papalabas na pala siya at hindi ko na nagawa pang makakilos. Agad na napunta sa akin ang attention niya, at kahit gustong gusto ko nang magtanong, walang salitang lumabas sa mga labi ko.


I was still haunted by what I saw 2 days ago. Naghintay ako sa kaniya, nag-alala ako na baka napano na siya. Sa mundong ginagalawan niya? Sa posisyon niya, hindi malabong maging kakambal niya ang kapahamakan. Pero, kasama lang pala niya si Dimaria and he didn't even tell me anything... hindi siya nagpaliwanag at hindi niya rin ako kinausap. Parang pinamukha niya sa akin kung ano lang ba ang papel ko sa buhay niya.


"Katherine."


"You're not going, you will stay here," mariin kong utos na bahagyang kinakunot ng noo niya. Hindi niya gusto ang ginagawa ko, pero wala akong pakialam.


"Dimaria was kidnapped by my enemies. Do you think I will just stay here and follow orders from you?" I swallowed hard, sa pakiramdam na may bumara sa lalamunan ko. I can feel my tears starting to pool in my eyes.


"Yeah right, that woman again. Si Dimaria ulit! Si Dimaria nanaman! Puro na lang Dimaria! Puro na lang siya! Paano naman ako ha?! Ano ba talagang papel ko rito?! Ano ba talagang papel ko sa buhay mo Damon?! Wala ka na lang bang ibang bukang bibig kung hindi ang babaeng 'yon ha?! Andito naman ako pero bakit hindi mo magawang layuan siya?! Sino ba siya ha?! Siya ba ang mahal mo?! Kung gano'n bakit mo pa ako dinala rito?!"


"Katherine..." he was about to hold me, ngunit umiwas ako.


"Don't touch me! Napapagod na ako sa 'yo!" nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya.


"Napapagod na akong mag-isip, napapagod na akong mag selos dahil puro na lang ang babaeng 'yon ang inaatupag mo! You're so dense! Nasasaktan na ako pero siya pa rin ang inuuna mo! Wala akong pakialam kung wala mang label ang relasyon na ito at hindi opisyal ang pagiging mag-fiance natin! Basta nasasaktan ako kaya please! Please Dame...stay, ako naman ang unahin mo, g-gusto kong samahan mo ako sa— " bigla niyang inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya, wala nanaman akong mabasang kahit ano sa mga mata niya. Marahas ding gumagalaw ang panga niya at mariin nang nakakuyom ang kamao.

The Lure Of Vengeance (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon