Buong gabi akong walang imik matapos marinig ang pakikipag-usap ni Damon sa kung sino. I'm confused and definitely not in a good mood. Damon's really hiding something. Or maybe my hunch is right. Mabuti na lang umalis sila ni Anaconda, walang makakapuna sa mga kinikilos ko. Si Manang Josie naman ay hindi rin naman ako masyadong napapansin dahil abala ito sa ginagawa.
Matapos ng gawain ay bumalik ako sa kwarto ko upang magpalit. Wala na akong balak bumaba pa sa dami ng iniisip ko. Tumawag ulit si Kael ngunit hindi ko na ito sinagot. I am planning to change my number so they will never have a chance to contact me again. Baka mamaya ay ma-trace pa nila ako. Abala ako sa harap ng laptop ng makarinig ng tunog ng paparating na sasakyan. Out of curiosity, tumungo ulit ako sa bintana at sumilip, only for me to see Damon with Anaconda. Don't tell me, rito matutulog ang babaeng 'yan?
Naiinis ako sa idea na 'yon, who the fuck is that woman in his life? Ano ba talagang papel niya? If he has her, why would he choose to marry me? Papakasalan niya ako, siya ang hahawak ng business namin? Tapos ano? Magbubuhay reyna 'yang babaeng 'yan? No way! Hangga't nabubuhay ako, hinding hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Padabog akong bumalik sa kama at pinagpatuloy ang ginagawa. After that, I forced myself to sleep. Mas maaga akong nagising kinabukasan so I have more time to prepare Damon's breakfast. Ayoko siyang makasalamuha, lalo pa't alam kong dito natulog ang kabit niyang ahas.
"Rene," I almost jumped when I heard Damon's voice. Speaking of the devil. Papasok pa lang sana ako sa kwarto ko, ang aga niya naman? Marahan akong pumihit para harapin siya.
"Bakit ho master? May kailangan po ba kayo?" ngumiti ako sa kaniya, kahit sa likod ng nga ngiti na 'yon ay samo't saring mura na binabato ko sa kaniya.
"Don't cook dinner for me later; I won't be home," I awkwardly nodded my head.
"Oh, okay, po master. Ingat po kayo," sana 'di ka agad ipadala sa impyerno para mag-hari. I saw how his brows shut and angled his face as if he was trying to read me.
"What's with your smile?" medyo natigilan ako sa sinabi niya. I don't know what to do if I keep smiling at him. O, aalisin na ang pekeng ngiti ko.
"Why? What's wrong with m—" agad kong natutop ang sarili kong bibig. Shit! Bakit English?! Pero okay lang naman siguro, ang alam naman niya ay high school graduate ako. Shempre marunong ako mag english! Mas lalong kumunot ang noo niya, he was about to take steps when a woman's voice interferre.
"Babe! Let's eat breakfast together," umasim ang mukha ko ng makita kung paano pumulupot sa katawan ni Damon ang manipis na kamay ni Anaconda. Bakit ang babaeng 'yan, para nang linta kung pumulupot sa kaniya, okay lang? 'Pag ako, tutulungan ko lang siyang gamutin—galit pa! Tsk.
"Eat first Francine," haharap na sana ulit sa akin si Damon ng biglang halikan na lang siya ni anaconda sa harapan ko pa. Halos lumuwa ang mata ko sa nangyari. It was just a quick kiss though. I cleared my throat, kaya napunta sa akin ang attention nila. Halos isumpa ko na ang expression sa mukha ni Anaconda ng tingnan ako. Akala mo naman maiingit ako ew! Proud na proud pa siya sa lagay na 'yan huh. Tinalikuran ko na sila at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Ano kayang ginawa nila kagabi? Of course, they did something right. God! Wala bang panapsi ang lalaking 'yon?
BINABASA MO ANG
The Lure Of Vengeance (Published)
Ficción GeneralPUBLISHED UNDER IMMAC PPH | MATURE CONTENT: R-18 (Sensitive topic ahead) Daunted by the news that she's going to marry the tormented, dark, and cold Damon Lucifer Dankworth, Katherine Reiss decided to run away from her parents and disguise herself t...