Chapter 44

13.1K 437 88
                                    

Naiwan ako sa kwartong 'yon kung nasaan ang walang malay na Damon. Dimaria excused herself to cook. Mukhang hindi pa sila nag d-dinner. Kung sabagay ay maaga pa naman kung tutuusin. Alas sais ako ng kumain kanina. Ang mas kinagulat ko ng bahagya ay ang paglabas din ni Alena roon. Is she really going to let me here alone with her husband? Pumait ang pakiramdam ko ng sabihin iyon sa isip ko. Nanatili ako sa kinauupuan at tinitigan si Damon. Galit pa rin ako sa kaniya. Hindi pa rin mabubura lahat ng sakit at galit ko nang dahil lang sa nangyaring 'to. Pero sa ngayon ay iba ang nasa isip ko. Hindi ko rin naiwasang hindi mag-alala sa kaniya. Damn! Kahit gaano pa kalala ang galit ko, mahal ko pa rin.


"Nagugutom ka ba? Kakaluto lang ni Divecca." napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Malumanay ang boses nito at mahinhin. Ibang-iba sa Alena, na ipinamukha sa akin kung gaano ako kadesperada. Nang makita ko ang mukha niya ay walang bahid na kahit anong kademonyitahan ang mukha niya. It was plain and calm.


"No, kumain na ako kanina." akala ko'y aalis na siya ngunit naupo lang siya sa tabi ko.


"Last time, I'm sorry for what I said to you." kumunot ang noo ko ngunit hindi na ako nagsalita.


"You have the full right to him. Sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang mas may karapatan." What the hell is she saying?


"Asawa ka niya, may karapatan ka."


"Ikaw ang mahal." natigilan ako.


"Mahal mo ba si Damon?" I asked fiercely.


"Mahal?" malamyos siyang ngumiti.


"Mahal ko si Damon, hindi sa paraang iniisip mo." She breathed out. Tumayo na ito at sinulyapan ako. Kunot-noo ko pa rin siyang tiningnan at nang ngumiti siya sa akin ay mas lalo lamang akong nagtaka.


"Kakain na muna ako ah." hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko na lang siyang umalis. Naiwan ulit akong mag-isa roon, at 'di tulad kanina— ngayon ay nagawa ko nang lumapit at naupo sa edge ng kama kung saan naroroon si Dame. Hindi ko alam na doctor, pala si Alena. Akala ko'y business ang tinapos niya.


I unconsciously comb his hair using my fingers. And I can't help but admire Dame's face. I feel something pinch my chest just by staring at him. Unti-unting pumatak ang mga luha ko.


Hindi ko inaasahan na aabot ang lahat sa ganito. Alam ko na na hindi magiging madali ang mundo niya, pero bakit sa loob-loob ko, handa pa rin akong samahan siya? Sinubukan kong alisin ang mga luha ngunit hindi naman ito nagpapapigil.


"Mommy?" bigla akong napatigil. Ang kalmado ko na sanang kamay ay unti-unti na ulit nanlamig at nanginig. Maging ang mga labi ko'y unti-unting nangatal at mas bumuhos pa ang mga luha ko, nang lumingon ako sa pintuan ay nakita ko roon ang isang batang nakatayo. He's holding a journal notebook. Marahan siyang naglakad papasok hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa akin.


Dahil sa liwanag ng kwarto ay mas nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya. Did he really call me, "mommy?" Totoo bang narinig ko 'yon? I don't know what to do, nasa harapan ko na siya pero wala akong magawa. He handed me the journal notebook while his tears were starting to escape his eyes.

The Lure Of Vengeance (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon