Chapter 9

14.2K 463 14
                                    

Ilang araw kong iniwasan na magtagpo ang landas namin ni Damon. At first I never thought that it can be possible. I was hired to serve him, but his absence makes it easier for me to move around without trying to hide from him. He's been away for the past few days. Iisa lang ang pinagsisilbihan ko at 'yon ay ang alaga niyang ahas dito sa mansion.


"Did you wash my clothes already?" I gritted my teeth and turn to face her. I don't mind making a scene here, wala si Damon kaya makakaya ko siyang labanan.


"Not yet, hindi ka naman VIP para palaging unahin," nakita ko kung paano manlaki ang mata niya at manggigil sa inis, ngunit wala na 'yong nagawa ng mabilis ko na siyang talikuran at naglakad palayo. Good thing it's Saturday bukas. Gustong gusto ko nang umalis muna sa mansion na 'to. I was busy cooking when I heard voices. Marahan akong sumilip at halos manlaki ang mata ko ng makita kung kanino nanggaling ang ingay na 'yon. Kael! He's with Damon and they are talking.


Sa taranta ay nahiwa ko pa ang sariling daliri! Napahiyaw ako sa gulat at halos manghina ng makita ang sariling dugo. I could feel the pain in my chest as my heart started to beat rapidly. Nagsimula na rin mamuo ang mga pawis ko at pakiramdam ko ano mang oras ay mawawalan ako ng malay. I have hemopobia. It is one of my fears, seeing my blood or other people's. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit never ko pinangarap mag doctor. I cannot overcome my fear, my weakness. Nanghihina man ay nagawa kong makalapit sa sink at hinugasan ang daliri ko. I grip the counter tightly while washing my fingers when I feel someone's presence.


Halos mapatalon ako ng makita si Damon na nakatitig sa akin. And when his eyes drifted to my finger, he saw what was happening. Nagulat ako ng lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. I don't have enough strength to push him away, so instead of doing that, I chose to rest my head on his chest while he was doing something on my finger.


Nanatiling ganoon ang posisyon namin, at kahit ramdam kong sinipsip niya ang dugo sa daliri ko'y wala na akong pakialam. He helped it, and I thank him for that.


"Damon?" My heart skipped a beat when I heard my brother's voice heading into the kitchen. Napakapit ang isa kong kamay sa katawan ni Damon, at muling bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.


"Wait for me at my office, Mikael," Damon answered.


It makes me breathe in relief as he slowly moves away from me. Ramdam ko na ring kalmado na ako kaya nagawa ko na siyang tingnan but he wasn't looking at me already. Tuluyan siyang umalis sa kusina at naiwan akong nakatitig sa daliri ko na mayroon ng band aid. My brows shut when I saw the band aid he put on me. May print 'yon ng mga puso na kinangiwi ko at kinangiti ng wala sa oras. Wtf? Paano nagkaroon ng ganito sa mansion niya? Hindi ko maiwasang matawa ng walang boses na lumalabas, umuga lang ang balikat ko dahil sa pagtawa, bago nilibot ang paningin at kinagat ang sariling labi ng makita ang first aid kit. Muli kong sinulyapan ang daliri ko at pinagpatuloy na ang pagluluto. After minutes ay natapos na rin ako sa ginagawa, Ate Tess entered the kitchen. Nagtaka pa ako dahil sa expression niya, she seems confused when she looks at me.


"Ayos ka lang ate?" She nodded at a slow speed.


"P-pinapatawag ka ni master sa opisina niya, dalahan mo raw siya ng juice," may pagtataka rin kahit sa tono niya. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako pa ang pinapapunta nito, gayong siya na ang naroon. Kahit ako ay nagtaka rin, pwede naman na niyang utusan si Ate Tess.

The Lure Of Vengeance (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon