Huminto ako sa pagmamaneho. Wala akong pakialam kung saang lupalop ito. I cried inside. Puno ng sakit, pagsisisi at panghihinayang. Ilang beses kong inumpog ang noo ko sa manibela at malakas na napasigaw. To release my frustration before crying so hard again. Mas tumindi lang ang kagustuhan kong, manatili at gawin lahat para mapatawad niya ako. Na baka sakaling mahalin pa rin niya ako kahit malabo pa sa gabi na mangyari 'yon.
I won't stop until he finally accepts me again. Hindi na ako basta-basta bibitaw. Nagpatuloy ako sa kabila ng pag-iyak. Hindi ako dumeretso sa bahay, tinungo ko ang bahay ni Fern at mabilis na pinindot ang door bell button. Kaagad naman 'yong bumukas at niluwa ang pinsan ko na halatang gulat na gulat pa pero kaagad ko na siyang kinuwelyuhan habang tinutulak papasok.
"K-Kath? W-What the fuck?"
"Tell me everything! Lahat ng alam mo kay Damon! Sa pamilya niya! Lahat!" I screamed, halos pumiyok na ako. Gusto ko nang malaman kung ano pa ba ang hindi ko alam. Nanlaki ang mata niya sa utos ko at pilit kumakawala sa mga kamay ko.
"Kath, as much as I want . Hindi pwede k-kasi hindi ko dapat pangunahan si Dame."
Halos hindi ako pinatulog ng gabing iyon, kaya pumasok ako sa opisina na tila nakalutang sa ere dahil sa antok. Naabutan ko si Damon na abala sa kaniyang laptop. Nang sandaling iyon ay parang nawala ang antok ko at napatitig dito na tila wala namang pakialam sa akin.
"Tuloy ba tayo sa party, bukas?" I asked him. Hindi siya sumulyap sa akin.
"Yes, wear something presentable. A dress will do." Tumango ako kahit hindi naman niya nakita 'yon. Buong oras ng trabaho ay wala yata akong nasimulan dahil nasa kaniya ang buo kong attention, like as if I am solving a puzzle while staring at him. At kailanman hindi ko siya nahuling tumingin.
"Mahal na mahal mo ba ang asawa mo?" wala sa sariling natanong ko. Huli na para ma-realize iyon, at napatingin na siya sa akin ng salubong ang kilay.
A bitter smile escaped my lips.
"It's a working hour, Miss Reiss." Pagpapaala niya na hindi pinapansin ang tanong ko. Napanguso ako at inilit mag trabaho ngunit wala akong matapos-tapos dahil wala roon ang isip ko. I am trying to understand, pero paano ko iintindihin kung wala naman akong kahit isang nalalaman?
Nang mag-lunch ay pinatawag niya akong muli sa cafeteria. Nang nasa mini kitchen na kami ay pinanood ko lang siya at napapagod akong sinandal ang katawan sa likuran niya habang abala siya sa pagaayos ng kakainin namin.
Naramdaman kong nanigas siya at mabilis na nakalas ang yakap ko ngunit pinilit ko ulit na yakapin siya ng mas mahigpit.
"Inaantok ako Dame." I muttered.
"Don't hug me."
"Please, yakap lang." napapagurang bulong ko. Sa pagkakataon na 'yon, hindi siya kumibo. Akala ko hahayaan na niya ako pero, muli niyang kinalas ang yakap ko at hinawakan ang balikat ko para paupuin sa harap ng mesa.
BINABASA MO ANG
The Lure Of Vengeance (Published)
Narrativa generalePUBLISHED UNDER IMMAC PPH | MATURE CONTENT: R-18 (Sensitive topic ahead) Daunted by the news that she's going to marry the tormented, dark, and cold Damon Lucifer Dankworth, Katherine Reiss decided to run away from her parents and disguise herself t...