Author's note: Continuation of Chapter 9. ^_^
Hindi namin marinig ang pinag-uusapan nung babae at ng Maknae namin. Hindi ko din makita kung maganda ba ang chikababe na kausap ni Jungkookie. Nakatalikod kasi sila samin. Tss. Nagseselos tuloy akoooo.
"Ang tagal naman magtanong ni Jungkookie." inip na sabi ni V habang patuloy pa rin na vinivideohan ang Maknae.
Lumapit ako kay V saka inakbayan siya. Sila hyung naman ay seryosong nakatingin lang sa gawi ni Jungkookie.
Nakita kong may babaeng lumabas mula sa comfort room ng mga babae. Maganda yung babae kaso hindi ko type, masyadong payat yung katawan. Psh.
Mukhang tinawag nung babaeng payat yung babaeng kausap ni Jungkookie.
Nang tignan ko naman ulit ang Maknae at ang kausap nitong babae ay..........
*PAAAAKKKKKKKKK*
Jin&Leader&J-Hope&Suga&V&Jimin: O_______O
"WOAH!" gulat na anas ko.
"Shit!" mura naman ni J-Hope hyung.
Lahat kami ay halos manlaki ang mata sa nasaksihan namin.
Sinampal kasi nung babae si Jungkookie, sabay hila nito dun sa babaeng payat na kakalabas lang ng comfort room ng babae. At tumakbo na sila agad ng mabilis paakyat sa building na nasa right side namin.Woahh! Ang astig! Idol ko na yun dre. Pero... ano kayang nangyari sa kanila ni Jungkookie at nung babae? At bakit nito sinampal ang Maknae? Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng kayang manakit ng kasinggwapo naming pito. Psh.
"Ow men!" asar ni Suga hyung habang naglalakad na kami papunta sa kinaroroonan ng Maknae.
Tulalang nakaupo pa din si Jungkookie habang nakahawak sa kaliwang pisngi nito.
"Ang sakit nun tol! Hahaha." asar din ni J-Hope hyung habang tumatawa.
"Awtsuuuu!" asar naman ni Jin hyung habang nag-e-aegyo ito.
Si Leader naman ay nakangiti lang habang nakatingin kay Jungkookie. Si V naman ay abalang nakatingin sa cellphone nito.
"Bakit niya ko sinampal? Nagtatanong lang naman ako sa kanya." bulong ni Jungkookie nang makalapit kami ng tuluyan sa kanya.
Hindi ko tuloy napigilang matawa dahil sa nangyari.
"HAHAHAHAHA! Sabi ko naman sayo Jungkookie, ako lang ang nagmamahal sayo ng tapat at hindi kita sasaktan kahit kailanman." madramang sambit ko habang tinatapik ko ang balikat nito pero tinignan niya lang ako ng masama. Hoho.
"Navideohan ko Jungkookie." tuwang tuwa naman na sabi ni V habang pinapakita ang video na kuha nito sa cellphone nito.
"Upload muna Alien." utos ni Suga hyung.
"Oo. Itatag ko kayo hyung." sagot ni V habang kinakalikot na ang cellphone nito.
"Akin na nga yan!" sabat ni Jungkookie habang pilit na kinukuha ang cellphone ni V. Ngunit hindi nito makuha dahil magaling umiwas si V, yan ang isa sa tricks ng isang Alien. Psh.
"Tama na nga yan Bangtan. Kailangan na nating hanapin ang Office ni Carmela." seryoso ng sabi ni Leader.
Tss. Ang bilis talaga magbago ng reaksyon si Leader.
"Paano natin mahahanap? Wala naman mga tao dito sa labas na pwede pagtanungan. Pfft... kung meron man tao... pffft... hindi natin sigurado baka kasi sampalin din tayo katulad ng Maknae. Haha!" sabat ni J-Hope hyung habang nagpipigil ng tawa.
Tinignan naman siya ni Jungkookie ng masama pero walang pakielam si J-Hope hyung dahil tuloy pa din siya sa pagtawa.
"Wait alam ko na! Itext niyo na lang kaya si Carmela." suhestiyon ni Jin hyung.
"Ay... oo nga noh." nagkakamot ng ulong turan ko. Bakit kaya hindi ko agad naisip yun? Tss.
O-ow. Tinitignan tuloy nila ko ng masama.
"Sorry naman hindi ko naisip 'yun kanina." palusot ko.
"Paano ka mag-iisip, wala ka namang isip." asar ni V sakin.
"Nasampal tuloy ako..." bulong ulit ni Jungkookie.
"Pag nalaman ng mga ARMY na sinampal ka ng isang babae. Pustahan magwewelga yung mga 'yun dito." nag-aalalang sambit ni Suga hyung.
"Poor lady." iiling-iling na sabi naman ni J-Hope Hyung, na ang tinutukoy ay yung babaeng nanampal kay Jungkookie.
Teka! May nakalimutan pala akong itanong kay Jungkookie.
"Jungkookie, maganda ba yung chikababe na nanampal sayo?" tanong ko sa Maknae.
Tinignan niya muna ko ng masama bago sumagot.
"Hindi." dali-daling sabi nito.
Hmm. Nacucurious tuloy ako dun sa chikababe na kausap kanina ng Maknae. Feeling ko kasi may kakaiba sa tono ng pananalita niya.
"Jimin, tatawag ka ba o tatanga ka na lang diyan?" naiiritang tanong ni Leader.
"Oo na. Tatawag na ko." sagot ko habang mabilis na dinidial ang number ni noona. Baka kasi maging dragon na si Leader pag nabadtrip.
BINABASA MO ANG
The Bangtan Maknae Tears [BTS-Jungkook]
Фанфик"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." --- Jungkook.