Napalingon naman ako sa gawi nung lalaking sumigaw at... WOAH! May pitong anghel na palapit sakin! TEKA! Mga A-anghel? P-patay na ba ako? Damn! Paanong nangyari 'yun?
Pasimple kong kinurot ang braso ko at nakaramdam naman ako ng sakit, kaya posibleng buhay pa ako. Pero... bakit may mga anghel na lumalapit sakin? Tss. Gaguhan na 'ata 'tong nangyayari sakin! Tss...
Tinitigan ko ang pitong anghel na naglalakad palapit sakin at napansin kong kasama sa kanila si... Jungkook? na naglalakad habang nakatitig lang s-sakin?
Naramdaman kong bumilis na naman ang tibok ng puso ko, kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya. Tss! Bakit ba kasi siya nakatingin sakin? *dugdugdug* Damn this heart!
Pero... kung nandito si Jungkook at nakikita't kinakausap din sila ng 'ARMY... edi hindi pa ako patay!? Psh. Masyado kasi silang mga gwapo para pagkamalang mga anghel...
"Mae diba sinabi na namin na wag na kayong pupunta dito sa CNA, para lang makipag-away!?" naiiritang tanong nung lalaking may panyo sa ulo. Feel ko siya yung sumigaw kanina.
Shit! ANG GWAPO NIYA... pero parang ang weird niya, dahil may bandana siya sa ulo...
Tinignan ko naman kung sinong sinasabihan niya. Psh. So Mae pala ang pangalan nung babaeng Leader nila? Tss. Ang panget!
"Sorry oppa... hindi namin sinasadyang awayin siya." natatarantang sabi nung Mae.
Tss! May saltik na nga, sinungaling pa!
"Liar!" sigaw ni... Jungkook!?
Tama ba 'tong naririnig ko? Pinagtatanggol niya ulit ako? *dugdugdug* Kainis naman 'tong puso ko! Napakaeksenadora! Tss!
Napansin kong magsasalita ulit sana yung Mae kaso naunahan siya nung isa pang lalaki.
"Huwag ka ng magsinungaling Mae. You see, kanina pa kami nanunuod sa inyo. At nakita namin na sinampal mo yung babae, so yun ba ang sinasabi mong hindi mo sinasadya?" sabat naman nung lalaking.... OHMAYFVCKINGABS! ANG HOT NIYA... kaso maliit siya.
"Oo NGA! I AGREE!" sigaw naman nung gwapong lalaking orange ang buhok habang nakakapit sa braso ng isa pang lalaki.
"Yeah. Agree din ako." sang-ayon naman nung gwapong lalaki din na kinakapitan nung lalaking orange ang buhok.
"Tama na nga yan Bangtan!" sabat naman nung gwapo at matangkad na lalaking white ang buhok.
Naramdaman kong nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan, dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Parang may kakaiba sa boses niya na para bang nahihipnotismo ako...
"Mae pumasok na kayo sa AU, baka kasi malate na kayo sa klase niyong lahat." sabat din nung lalaking matangkad.
Feeling ko siya ang pinakagwapo sa kanilang lahat at parang pinakamabait din dahil sa sobrang hinhin nito gumalaw at magsalita.
Ang masasabi ko lang... ANG GAGWAPO NILANG PITO! Pero wala kong pakielam sa kanila! Psh.
"Pero oppa... bakit ba parang pinagtatanggol niyo 'yang babaeng 'yan?" nangingitngit sa inis na tanong nung Mae habang nakatingin sakin ng masama. Tinignan ko din siya ng masama. Tss.
"Because she is... Jungkook's girlfriend." sagot nung lalaking white ang buhok.
Nagulat naman yung Mae at ang mga kasama nito... lalo na ako. Napanganga nga ako sa sobrang gulat.
"J-jungkook oppa... d-diba hindi totoo yung mga s-sinasabi nila?" nagmamakaawang tanong nung Mae kay Jungkook habang maiiyak na yata.
Hinihintay ng lahat ang sagot ni Jungkook, maging ako ay naghihintay din sa isasagot niya. How come, na nagkaboyfriend ako ng hindi ko alam?
BINABASA MO ANG
The Bangtan Maknae Tears [BTS-Jungkook]
Fanfiction"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." --- Jungkook.