Pagkatapos ng madramang pagsesenti ko sa garden, sakto naman na nagbell na hudyat na oras na ulit ng klase.
Dumiretso na ako sa room 4-B at sa pagpasok ko, lahat sila ay nakatingin sakin kaya naman tinaasan ko lang sila ng kilay. Umiwas naman agad sila ng tingin kaya nagpatuloy na ako sa pag-upo ko. Pagkaupo ko naman... saktong pagpasok ng room ni Mariel kasama sila Yhen at Wendy. Tumatawa pa sila na para bang ang saya saya nila, pero nang mapatingin sila sakin ay bigla silang natigilan at yumuko agad. Tss. Ang bilis naman ni Mariel makahanap ng bago niyang kaibigan, hindi katulad ko na super lonely dahil sa kanya.
Pumasok na ang next teacher namin kaya nakinig na lang ako ng mabuti sa lecture nito.
[Fast Forward]
"CLASS DISMISS." nakangiting paalam ni Ma'am Ramirez bago umalis ng room.
Niligpit ko na ang mga gamit ko, saka agad na umalis ng room. Malapit na ako sa pinagparkan ko ng kotse ko nang matigilan ako, dahil nakita ko siyang nakatayo malapit sa sasakyan ko. Tss.
"Erist!" tawag niya sa... pangalawang pangalan ko!? Paano niya nalaman ang second name ko?! Eh hindi ko naman sinasabi sa iba ang kumpleto kong pangalan, depende nalang kung close kami!? Tss.
Naramdaman ko nalang na mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung tipong parang gusto ng sumabog nito. Hindi ko na napansin na pinagpapawisan na pala ako ng todo, habang nakahawak sa dibdib ko.
"Bakit namumutla ka?" nakakunot ang noong tanong niya saka lumapit sakin.
"W-wala!" mabilis kong sagot at agad na lumayo sa kanya nang lumapit siya sakin.
"Sorry pala sa pagsigaw ko sayo kanina..." sabi niya habang nagkakamot ng batok nito, na para bang nahihiya siya sa ginagawa niya.
"Ok lang." maikling sabi ko na lang, sabay lakad palapit na sa kotse ko.
Fvck! Para na talagang sasabog na ang puso ko, sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Wait Erist!" pigil niya sakin habang ang kamay niya ay nasa braso ko. Lalo pang mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkakadikit ng balat namin.
"B-bakit ba?" tanong ko, saka tumingin sa kamay niyang nasa braso ko.
"Kaya ko sinabing girlfriend kita sa harapan ng mga fans ko... ay para hindi ka na nila sugudin at awayin ulit." seryosong paliwanag niya.
Feeling ko nawala na ang inis ko sa kanya, dahil sa rason niya ngayon. Hindi alam ng iba na marunong talaga akong makaappreciate ng bagay, kahit maliit na bagay lang yan. Sadya lang talaga na hindi ako fan ng PDA.
"Hindi mo naman kailangan gawin yun. Mas lalo lang kasing lumala... nang malaman nilang may relasyon tayo, kaya bawiin mo na lang sa kanila ang mga sinabi mo." sabi ko sa kanya.
"Ayoko, baka awayin ka lang ulit nila." mariing tutol nito bago tinanggal na ang kamay niya sa braso ko.
Hays! Mabuti naman at binitawan niya na ang braso ko, hindi kasi talaga ako kumportable sa tuwing hahawakan niya ako, lalo pa kasing mas bumibilis ang tibok ng puso. At huwag niyo ng tanungin kung bakit at paano, dahil hindi ko alam. Tss.
"Bahala ka na nga..." naiinis kong singhal sa kanya.
"A-ano k-kasi p-pumapay---" nauutal na sabi nito.
"Pwede bang ayusin mo yung sasabihin mo?" naiinip kong singhal sa kanya.
"Ano kasi... fvck! Ang hirap pala nito..." bulong niya.
BINABASA MO ANG
The Bangtan Maknae Tears [BTS-Jungkook]
Fanfiction"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." --- Jungkook.