CHAPTER 22

190 14 6
                                    

Maaga akong pumasok ngayon sa school, medyo ayos na kasi ang pakiramdam ko. Mukha ngang naghihinala na si mommy kanina kasi nakalimutan ko palang ilagay sa bag ko yung kakalaba ko lang na damit ni Jungkook. Ako talaga ang naglaba nung damit niya, ako naman kasi ang gumamit. Psh.

**

Naka-alert mode na agad ako pagpasok ko, baka kasi nandito na naman ang mga ARMY na galing AU. Tss.

Pagtapak palang ng paa ko sa school, agad akong napaatras.

Damn! Hindi nga ako nagkakamali dahil nandito na naman sila at parang mas dumami pa sila? Hindi na ba talaga nila ako titigilan? Tss.

"Jeila!" tawag sakin ni Mae nang makita nito ako.

Tinititigan ko lang siya, parang may kakaiba kasi sa kanya ngayon. Unang una dahil hindi na nakataas ang mga kilay nito at ang pangalawa ay mukhang kinakabahan pa nga siya. Hmm. Anyareeee?

Hindi ko siya pinansin bagkus naglakad nalang ako, pero hinarangan na naman nila ang dadaanan ko.

"Jeila, so——-"  sasabihin sana nito, kaso agad ko ng pinutol. Baka kasi kung ano na namang kaechosan ang sabihin nito. Tss.

"Kung balak niyo na naman akong awayin, pwede ba wag ngayon! Masakit pa ang katawan ko." naiiritang saad ko with matching harang ng kanang kamay ko malapit sa bibig nito.

"Pero hi——" sabi ulit sana nito, kaso pinigilan ko lang ulit siya.

"TABI!" singhal ko sa kanila. Nagulat ako nang lahat sila ay nagsiluhod. Ano na naman bang palabas 'to? Tss.

"Pwede ba padaanin niyo ko? Nagmumukha akong poon dahil sa ginagawa niyo." saad ko.

"JEILA SORRY!" sabay sabay nilang sabi bago tumalikod ang mga ito. Napansin kong pagtalikod nila, may nakasulat sa damit nila ang mga salitang 'Jeila, we promise that we will never hurt you again'.

Nagulat naman ako dahil parang maiiyak na din sila kung hindi ko sila papatawarin. Psh. Care ko ba sa kanila? Duhh.

Maglalakad na sana ulit ako pero bigla nilang hinawakan ang paa ko para hindi ako makagalaw.

Haixt! Baka kasi pakana na naman nila 'to. Tss.

"Haixt! Ang diyos nga nagpapatawad, ako pa kayang nilalang niya lang?" naiinis kong sagot sa kanila.

"Salamat!!" sabay sabay nilang sabi. Para silang nabunutan ng tinik dahil nagsingitian na sila. Psh. Weirdo!

Naglakad na ako ulit paalis pero biglang hinarangan na naman ako ni Mae.

"Jeila, tara hatid ka na namin!" nakangiting sabi nito saka ako hinila. Hindi na ako nakapalag dahil ganadong ganado si Mae na hilahin ako habang papunta kaming building ko.

Nasa tapat na kami ng building ko nang biglang lumampas kami dun. Teka! Saan niya ba ko dadalhin? Tss.

"Bakit tayo nandito?" takang tanong ko. Nasa harapan kasi kami ngayon ng c.r. ng girls.

"Basta, umupo ka lang diyan." nakangiti nitong sabi habang ginaguide ako paupo sa bench na katapat ng c.r. ng girls.

Magtatanong pa sana ko sa kanya kaso mabilis siyang tumakbo palayo. Napansin ko din na ako nalang ang tao dito sa labas. Psh. Ang bilis naman mawala ng mga ARMY.

Hmm. Naalala ko nga pala na itong inuupuan ko ngayon ay yung upuan kung saan ako umupo nung nasampal ko si Jungkook, yun ang first time kong mameet siya.

Psh. Nasan na kaya si Jungkook? T-teka! Bakit ko ba siya hinahanap? Tss. Pero kaya ako maagang pumasok ngayon kasi sinabi niya kagabi na maaga daw ako pumasok. Tss. Bakit ba kasi sinunod ko siya? Psh.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon