"Best, bitawan mo na ako." hinihingal na sambit ni Mariel nang makarating kami ng room 4-B.
Binitawan ko naman siya sabay hawak sa dibdib ko. Fvck! Bakit ba ang bilis pa din ng tibok ng puso ko?! Ano bang nangyayari sakin? Tss. Baka hiningal lang siguro ako kaya bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Oo tama! Hiningal lang siguro ako.
"Ms. Lu? Ms. Jung? Please sit down!" nanggigil na sigaw ni Ma'am Catacutan habang lahat naman ng kaklase namin ay nakatingin sa'min dalawa ni Mariel.
Kahit na medyo kinakabahan ako kay Ma'am Catacutan dahil sa pagsigaw nito, nagawa ko pa din tumingin ng masama sa mga kaklase ko kaya bigla silang nagsisiiwas na mapatingin ulit sa gawi namin.
"Yes Ma'am." magalang na tugon namin ni Mariel bago pumunta sa upuan namin.
Pagdating kasi sa grades ko, ayokong pumapalya ako. Dahil siguradong makakarating kay mommy kung magkaroon ako ng mababang marka.
Mahigpit kasi dito sa school namin, kaya naman matitino kami pag-oras ng klase. Pero pag hindi na oras ng klase ay pwede ng gawin ang gusto namin nang walang pumipigil na kahit sino.
Sabi nga ng may-ari ng school namin... "Pwede niyong gawin ang mga gusto niyo dito sa school ko kapag hindi oras ng klase, pero once na oras na ng klase kailangan pag-aaral lang ang iintindihin at iniisip niyo. Study is study! So please note that! Arasso!?" Iyan ang pagkakatanda ko sa sinabi nung masungit na may-ari ng school namin nung first meeting, ang pangalan niya ay Ms. Carmela Alih Park. Odiba, pangalan palang halatang masungit na? Psh.
"So I was saying that verb is 'blah 'blah 'blah 'blah" pagsisimula ulit ni Ma'am Catacutan.
Hays. Nakakaboring talagang magturo 'tong si Ma'am. Mas gugustuhin ko pang makinig ng speech ni PNOY kesa sa pakinggan ang lecture niya. Tss. Seriously kasi, taon-taon nalang sa buhay ko hindi nawawala 'yang VERB na yan! Nakakainis! Parang yung lalaki lang na muntikan ng humalik sak-- *dugdugdug*
"Fvck! ITO NA NAMAN!" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Ms. Lu, why are you screaming!?" nanggigil ng tanong ni Ma'am sakin.
"Ma'am kumirot po kasi ang dibdib ko, pero medyo okay na din po." palusot ko.
Nagsimula ng magbubulung-bulungan ang mga kaklase ko, samantalang si Mariel ay nakatingin lang sakin with her What-Happen-Look.
Fvck! Ngayon lang ako napapahiya ng ganito sa klase! KASALANAN 'TO NG LALAKING 'YON! Tss.
"Okay Ms. Lu... please sit down. Last warning for you." sabi ni Ma'am bago pinagpatuloy ulit nito ang pagdidiscuss niya habang ako naman ay nangingitngit na lang sa sobrang inis.
[Fast Forward]
"Best, anong nangyayari sayo?" tanong ni Mariel nang umalis na ang last teacher namin ngayong araw.
Hindi ko siya pinansin, at inirapan ko lang lahat ng kaklase ko na mapapatingin sa gawi ko.
"Omg! Kyaahhhh! Guys totoo ngang lumipat na ang BTS dito sa school natin! Kyaahhh!" tili ni Wendy na kakapasok lang ng room. Isa ito sa chismosa dito sa room namin, kaya laging updated siya sa lahat ng nangyayari sa loob ng school namin. Psh.
"Omg! Is that true? Eh bakit hindi pa din natin sila nakikita?" tanong ni Yhen, ang class president ng room namin.
Hmm... mukha atang mga sikat nga talaga ang BTS na sinasabi ni Mariel sakin kanina. Psh. Kahit kasi ang mga nerd na kaklase ko ay nakikiusyo sa pinag-uusapan nila. Aba, edi sila na! Tss.
"AKO! NAKITA KO SILA!" sigaw ni... MARIEL!?
"Kyaaaahhh! Talaga!?" tanong nilang lahat habang sinisimulan na nilang palibutan si Mariel sa harapan.
"KYAAAHHH! OMG!" tili nila habang patuloy silang nagtatanong kay Mariel.
Hindi ko na pinakinggan ang mga walang kwentang tinatanong nila at ang mga walang kwentang sinasabi din ni Mariel sa kanila. Bakit makakain ba at makakabusog ba ang pinag-uusapan nila? Like 'duhhhh!".
Inayos ko na lang ang mga gamit ko para makauwi na ako. Gusto ko kasing magbonding kami ni mommy ngayon.
"WHAAAAT?" malakas na sigaw nilang lahat, na halos mabasag ata ang eardrums ko. Kaya naman tumingin ako sa gawi nila para sawayin ang mga ito. Kaimbyerna kasi! Parang hindi mga babae kung makasigaw! Tss.
Nang paglingon ko sa kanila, lahat sila ay nakatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata nila, na para bang nashock silang lahat.
"Gusto niyo bang dukutin ko yang mga mata niyo?" tanong ko sabay irap sa kanilang lahat.
"Kinausap ba talaga siya ni Jungkook?" gulat na tanong ni Lalaine.
"YESSS!" masayang tili ni Mariel.
Ano kayang kagagahan ang sinasabi nito ni Mariel sa kanila? Psh.
"Jeila, kinausap ka ba talaga ni Jungkook kanina?" tanong ni Yhen sakin.
"At bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Feeling close lang?" sarkastik kong tugon.
Tss. Sino bang Jungkook ang pinag-uusapan nila!? At bakit pati 'ata ako nadadamay sa usapan ng mga chismosa kong classmate!?
Tinatamad akong makinig sa mga nonsense talk nila, kaya naglakad na ko palabas ng room nang matapos kong suotin ang backpack bag ko.
Madaming estudyanteng napapatingin sa akin habang naglalakad ako, kaya naman tinataasan ko lang sila ng kilay na para bang sinasabi ng kilay ko ang salitang 'back-off bitch!'.
Nang nasa parking lot na ako ay may babaeng nakakaimbyerna ang lumapit sakin. Tss.
"Best... bakit mo naman ako iniwan dun?" tanong ni Mariel habang nakanguso pa ito.
"Mukha kasing nag-eenjoy ka dun, diba?" sarkastik kong sagot habang inaayos ang black skirt ko na hanggang tuhod dahil natupi pala ito sa ibaba.
"Wag ka na magtampo best. Kinukwento ko lang naman sa kanila ang tungkol kay Jungkook." sabi ni Mariel na halatang kinikilig sa sinasabi nito.
Pesteng Jungkook na 'yan! Sino bang Jungkook 'yan? Mas lalong sinisira ang araw ko! Tssssss.
"Sino bang Jungkook 'yan, huh?" nagtitimpi kong tanong.
"Best naman! Yun yung gwapong sinampal mo kanina!" sigaw na naman nito kaya naman madaming napatingin ulit samin.
"Oh bakit kayo nakatingin? Maganda kami?" naiinis na tanong ni Mariel sa mga nakatingin samin. Mukha naman natakot sila dahil umalis silang lahat sa loob ng parking lot.
"Best yung lalaking sinampal mo kanina... ang pangalan 'nun ay Jungkook. Isa siya sa member ng BTS." sabi na nito sa mahinahon na tono.
So, Jungkook pala pangalan nung lalaking muntikan ng humalik sakin... at isa siya sa member ng BTS?! Ah ok.
"Oh tapos?" tanong ko ulit kay Mariel.
"Best, pag nalaman ng mga fans nila... ang ginawa mong pagsampal sa kanya. Pustahan, maraming magagalit sayo. Si Jungkook pa naman ang pinakasikat sa kanila." nag-aalalang sabi ni Mariel sakin.
"Wow! Para namang natatakot ako? Tss. Seriously, 'yun lang ba Mariel? Kung ayun lang, aalis na ko. Bye!" sabi ko sabay lakad na palapit sa kotse ko.
Bakit ba napakabig deal ng pagsampal ko sa Jungkook na 'yan? Kasalanan ko ba?! Fvck! Kung hindi niya ko hahalikan sana... edi hindi ko sana siya nasampal. Tss.
"Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Hindi ka sasabay sakin?" tanong ko kay Mariel.
Nakatulalang nakatingin kasi siya sakin habang nandun pa din siya sa kinatatayuan niya.
"Oo, sasakay na ako best." nakangiti na nitong sagot saka mabilis na sumakay sa kotse ko.
Pumasok na din ako sa kotse ko, at sinimulan ng paandarin ito. Masyadong nakakainis ang araw ko ngayon kaya kailangan ko ng magpahinga pagkatapos kong maihatid 'tong si Mariel sa kanila. Sa ibang araw nalang kami magbabonding ni mommy. Psh.
BINABASA MO ANG
The Bangtan Maknae Tears [BTS-Jungkook]
Fanfiction"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." --- Jungkook.