CHAPTER 16

145 13 1
                                    

Naglakad na ako pababa sa ground floor, hindi para kumain sa canteen kundi para puntahan at kausapin siya.

Habang naglalakad ako, maraming napapatingin sakin kasabay ng pagbubulungan nila. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin. Saka ko nalang sila babanatan kapag nafullcharge na ulit ang energy bat ko. Tss!

Papasok na ako ng building 'exclusive for boys only', nang biglang may humarang sa dadaanan ko.

"Miss bawal pumasok ang babae dito." sabi ng matandang lalaki. Marahil siya ang guard sa boys building dahil nakapangsecurity guard na uniform siya.

"May kakausapin lang po ako." pagpupumilit ko habang lumilingon lingon ako sa loob ng boys building.

Napansin ko naman na nagtatakang nakatingin lahat sakin ang mga lalaking nasa ground floor ng boys building. Siguro nagtataka sila dahil ngayon lang ako nagkainteres na lumapit sa building nila. Tss. Wala naman kasi akong paki sa kahit na sino dito sa school maliban na lang sa babaeng nagtitiyaga sa ugali ko... at si Mariel Jung lang yun. Nakaramdam na naman tuloy ako ng lungkot dahil sa kanya. Hays! Sana naman magkaayos na kami ni Mariel. Hindi ko kasi kayang nagkakaganito kaming dalawa.

"Sino ba ang kakausapin mo iha? Para ako na ang tumawag sa loob. Alam mo naman na bawal ang babae dito. Baka kasi hindi ka na makalabas dito kapag nagpumilit ka pa ding pumasok." seryosong paliwanag nito.

Medyo kinakabahan na din ako dahil sa sinabi ni Manong Guard. Lalo pa't nakatingin na lahat sakin ng lalaki sa boys building, para nila akong hinuhubadan sa mga tingin nila. Tss.

"Si Jungkook po..." sagot ko.

"Isa siya sa member ng BTS diba? Boyfriend mo?" nakangiting tanong nito.

May pagkachismoso pala 'tong si Manong Guard, parang si Mariel Jung lang. Hays! Namimiss ko na talaga yung kakulitan at kaingayan ni Mariel.

"Hindi p--" sagot ko kaso pinutol nito ang sinabi ko.

"Wag ka ng mahiya sakin iha. Alam ko naman kasintahan mo ang gwapong batang 'yon." nakangisi nitong sabat.

"Hindi nga p---" sagot ko ulit kaso pinutol na naman niya ako. Tss. Ikaw na kuya, ikaw na talaga!

"Ang mga kabataan nga naman..." bulong ni Manong Guard. Tss.

"Siya nga pala iha. Nakita ko siyang palabas kanina, kasama pa ang ibang member ng BTS. Maaaring pumunta na silang canteen." nakangiting sabi nito.

"Salamat po." pagpapasalamat ko kay Manong Guard kahit na medyo naiinis ako sa kanya.

Agad na naglakad na ako papuntang canteen.

[Fast Forward]

At Canteen.

Pagkapasok ko ng canteen, halos lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakatingin sakin habang nagbubulungan na naman?! Tss. Hindi ba silang nagsasawang pag-usapan ako?! Mukhang sikat na sikat na talaga ako ngayon. Psh.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng canteen para hanapin siya, ngunit hindi siya ang nakita ko... kundi ang mga kaibigan lang niya na nakatingin din sa gawi ko, ang BTS.

Nilapitan ko na sila para magtanong, kahit pa na sobrang kinakabahan at nahihiya akong lapitan sila.

"Hinahanap mo ba si Jungkook?" tanong nung lalaking white ang buhok nang makita niya akong palapit sa table nila.

Tumaas na naman ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa paraan ng pagsasalita nito.

"Y-yes." kinakabahan kong sagot.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon