CHAPTER 21

176 12 3
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may naglalagay ng kung anong malambot na tela sa bandang dibdib ko. Agad na nagmulat ako ng mata, at nakita kong dali daling lumayo sakin si Jungkook na mukhang namumula pa ang mga pisngi niya.

"Anong ginawa mo sakin?" tanong ko sa kanya habang sumisiksik sa upuan ko, na para bang rereypin ako nito.

"N-nothing!" sigaw niya sabay iwas ng tingin sakin.

"Eh bakit hindi ka makatingin sakin ng diretso?" nagtatakang tanong ko. Diba ganun yun, pag hindi ka makatingin ng diretso sa kusap mo, ibig sabihin nagsisinungaling ka lang? Am I right?

"I just put that handkerchief in your... fvck! Why I am explaining to her?" sigaw sabay bulong sa sarili nito. Tss! Naabnoy na siguro 'tong si Jungkook, hindi lang umaamin. Psh!

"Halatang guilty..." nakangisi kong bulong habang umaayos na ng pagkakaupo.

Napansin ko ngang medyo nakikita na ang taas ng dibdib ko kahit suot ko ang uniform ni Jungkook, mabuti nalang at medyo natakpan dahil sa panyo niya. Psh! Mabait din pala siya minsan...

"Anong binubulong mo diyan?" magkadikit ang kilay na tanong niya.

"Sabi ko salamat..." mahina kong sabi sabay tingin sa ibang view.

"Mabuti naman at marunong kang magpasalamat." nang-aasar na sabi nito.

Aba aba! Tignan mo 'tong lalaking 'to, kanina ang bait bait, ngayon naman nagsusungit na ulit siya. Tss! Dapat talaga hindi ko siya pinupuri eh!

"Nasaan ba tayo?!" galit-galitang tanong ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko dahil bigla na lang siyang lumabas ng sasakyan. Balak ata akong iwanan niya. Tss! Lalabas na din sana ako sa sasakyan kaso biglang kumirot ang buong katawan ko. Fvck! Nakalimutan ko palang tinorture ako kanina ng mga ARMY. Tss!

Halos mapatalon naman ako sa pagkakaupo ko nang biglang bumukas ang pintuan sa tabi ko, at sumungaw dun si Jungkook. Binuhat niya ako, hindi na din ako nagreklamo kasi hindi ko din naman kayang maglakad.

Pagkakita ko sa harapan namin kung saan nakaparada ang kotse ko, nakita kong may bahay. Hindi lang basta basta bahay kundi 'mansion' ata. Ang laki laki kasi at mukhang mamahalin ang nasa loob, ironic style kasi ang bahay este mansion.

"Kaninong mansion yan?" tanong ko sa kanya, pero hindi ako tumitingin sa mukha niya. Busy kasi ako sa pagmamasid sa mansion na nasa harapan namin.

Napansin kong hindi siya sumasagot kaya lumingon ako sa kanya. Paglingon ko sa kanya, nakatitig pala siya sakin. Kaya naman napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. *dugdugdug* Fvck! Ito na naman 'tong puso ko! Tss!

"Bakit ka ba nakatingin?!" naasiwang tanong ko sa kanya pero hindi ako tumitingin sa kanya.

"I'm sorry." bulong niya sa tenga ko.

Napataas naman lahat ng balahibo ko sa katawaan. Shit! May kiliti pa naman ako sa tenga!

"B-bakit ka ba n-nagsosorry diyan?" nauutal kong tanong. Nararamdaman ko na naman kasing bumibilis ulit ang tibok ng puso ko. Hays! Hindi na yata 'to nagpafunction ng maayos. Tss!

"Kasi... ako ang dahilan kung bakit puro pasa at sugat ang katawan mo, pati na din ang mukha mo." bulong ulit niya malapit sa tenga ko.

Shit! Sineseduce ba ako ni Jungkook? Tss. Kung oo man, panalo na siya dahil naseseduce na talaga ako!

"W-wala yun! At tsaka pwede bang l-lumayo ka ng u-unti sa t-tenga ko." sabi ko habang tinutulak ang ulo nito palayo sa mukha't tenga ko.

"Tss!" anas nito bago naglakad na papasok sa gate ng 'mansion'.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon