** Jungkook POV **
Natagalan kaming dalawa ni omma sa pagluluto ng kakainin namin para mamaya. Ngayon nalang ulit kami nagkaroon ng ganitong bonding ni omma, at masasabi kong namiss ko yung ganitong kami, dati. How I wish na hindi na sana matapos ang araw na ito, na kasama ko ang apat na mahahalaga sa buhay ko. Si omma, Regine, Hairan, at si Erist.
Dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya, automatic na naisip ko siya bigla. Ano na kayang ginagawa niya kasama ang mga kapatid ko? Siguro naiinip na 'yun! Maarte pa naman, at sadista 'yun. Psh!
Naglakad na ako palabas ng kusina nang matapos na kaming maayos ang lamesa ni omma.
Pagkadating ko sa sala ay wala sila kaya naisipan kong pumunta sa taas, baka nandun sila at naglalaro kasama si Erist. Pagdating ko dun ay wala akong nakita ni man anino nila. Fvck! Nasaan na ba sila? Tss!
"Baby? Nasaan na sila?" tanong ni omma. Nasa kusina pa din ito at nagsasalin ng pagkain sa lamesa.
"Wala sila dito sa bahay omma." may pag-aalala kong tugon.
"Baka nasa labas lang sila. Tignan mo dun baby." wika nito.
Shit! Nasaan na ba kasi sila?! Bullshit! Nag-aalala na talaga ako sa kanila. Fvck! Kapag may nangyaring masama sa kanila... hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko.
Lumabas na ako ng bahay pero hindi ko pa din sila makita. Pumunta akong labas ng gate kaso wala din sila sa harapan ng bahay. Damn! Damn! Nasaan na ba sila?
Kahit naiinis na talaga ako ay naisipan kong sa likod din pumunta... at nakita ko nga sila dun.
"FVCK! WHY ARE YOU HERE? HINAHANAP KO KAYO, KANINA PA!" naiinis kong bulyaw sa kanila.
Alam kong nagulat sila sa reaksyon ko. Hindi ko na nakayanan kaya tumalikod na ako, at naglakad papunta sa harap ng bahay. Naramdaman kong hinahabol ako ni Erist.
"Jungkook! Ano ba tumigil ka nga sa paglalakad mo ng mabilis!" sigaw nito.
Humarap naman ako sa kanya, at seryosong tinignan ko siya.
"Tss! Akala ko ba hindi ka na magmumura kung hindi na ako makikipag-away! Tss!" singhal niya sakin.
Natigilan naman ako bigla. Hays! Pagdating talaga sa kanya, lumalambot ako.
Hinila ko ang kamay niya, at niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong nagulat siya pero niyakap na din niya ako.
"Nag-aalala lang naman ako sainyo... sayo... akala ko iiwan niyo na din ako." nanginginig kong wika. Gusto ng lumabas ng luha ko pero pinipigilan ko lang. Fvck! Ayoko ng may mawala pa sa buhay ko.
Hinampas niya naman ako sa balikat ko. Psh! Kahit kailan talaga napakasadista nito.
"Hindi ka naman namin iiwan. OA lang? May ginawa lang kami ng mga kapatid mo, pero dahil sinira mo ang mood nila. Ayan tuloy, pumalpak ang surprise namin. Tss!" sabi nito.
Alam kong naiirita siya base sa pananalita nito. Humiwalay na ako sa yakap namin, at tinignan ko siyang mabuti. Nakatingin din siya sakin gamit ang mataray niyang mata. Psh!
"Oh... ito!" sabi niya sabay bato sakin ng hawak nito. Muntikan na nga akong matamaan sa mukha, mabuti nalang at nasalo ko agad.
Napatingin naman ako sa binato niya sakin at nakita kong parang album ito.
"What is this? And what I'm gonna do... on this thing?" takang tanong ko sa kanya habang pinapakita ko yung parang album na binato nito sakin. Inismiran niya lang ako bago inirapan.
BINABASA MO ANG
The Bangtan Maknae Tears [BTS-Jungkook]
Fanfiction"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." --- Jungkook.