CHAPTER 10

150 10 0
                                    

** Jeila POV **

At CampBridge National Academy.

"Best nabalitaan mo na ba ang kumakalat na tsismis dito sa school?" tanong ni Mariel nang makarating kami ng room 4-B.

Tinignan ko lang si Mariel habang nilalagay ang bag ko sa upuan ko.

"Kyaahhhh! Alam mo ba best, ang gagwapo nilang pito!" tili nito kaya naman pinagtitinginan na tuloy kami ng mga kaklase namin, pero binigyan ko lang sila ng tinging Don't-Dare-To-Look-At-Me-Look, kaya naman nagsiiwas na sila ng tingin.

"Sinong pito?" may halong pagtatakang tanong ko habang umuupo na sa upuan ko.

Samantalang si Mariel naman ay naupo na din sa tabi ko dahil magseatmate kami.

"Kyaahhh! Yung mga transferee best! Kyaahhh!" sagot nito pero patili pa din ang tono.

"So, ano namang meron sa kanila?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

"KYAAAHHH!" malakas na tili ulit nito kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na batuhin siya ng ballpen.

"Aray! Best naman!" reklamo ni Mariel habang hinihimas ang ulo niyang nasaktan dahil sa pagbato ko ng ballpen sa kanya.

"Ano aayusin mo na ba ang pagsasalita mo?" pagbabanta ko habang nakapalumbaba lang na nakatingin sa kanya.

"Hehe. Kasi nga best may mga magtatransfer dito." mahinahon na ang boses nito.

"Oh anu naman?" sarkastik kong tanong.

"Kyaaahhh! Best! Sabi nila ang BTS daw ang magtatransfer dito sa school. Omg! Kyaahhhh! Naeexcite tuloy akong makita sila." tili ulit nito.

"Huh? Anong BTS?" nagtatakang tanong ko naman.

"Bangtan Sonyeondan, best." sagot nito.

"So sino sila?" tanong ko ulit dahil talagang hindi ko kilala ang mga tintukoy ni Mariel.

"Sila ang sikat na kpop band dito sa Pilipinas dahil magagaling talaga sila at dahil kilala rin ang school nila na AU sa lahat ng larangan." nakangiting paliwanag ni Mariel.

"Anong AU?" tanong ko ulit.

"Army University." sagot nito.

"Ah." yan na lang ang nasabi ko sa sagot niya.

"Best naman! Bakit ah lang ang masasabi mo? Hello! Mayayaman at mga sikat kaya ang mga nag-aaral dun sa AU. Mas mayaman pa sayo best! At ang BTS ay ang sikat na kpop band sa buong mundo." nakasimangot na paliwanag ulit nito.

"AND SO?" pagtataray ko.

Alangan namang magpaparty pa ako, dahil nalaman ko na ang tungkol sa kanila? Tss. Wala naman akong paki sa mga kpop band na yan. Mga kpop-panget! Mga retokado! Mga mukhang bakla! Psh.

"Arghhh! Dapat hindi ko nalang ikweninto sayo." naiinis na sabi nito sabay sabunot sa sarili nitong buhok.

"Dapat nga! Tss." singhal ko sabay irap pa sa kanya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at naglakad palabas ng room. Wala pa naman si Ma'am kaya ok lang na lumabas pa kami.

Pagkalabas ko ng room, wala ng mga estudyante akong nakikita sa corridor at sa hallway, dahil oras na ng klase.

Nagulat naman ako ng may magsalita sa gilid ko. Tss. Si Mariel Jung lang pala.

"Best san ka pupunta?" nakapout nitong tanong.

"Sa lugar kung saan wala ka." sarkastik kong sagot sabay irap ulit sa kanya.

"Best naman!" sambit nito sabay pout ulit.

"Sa C.R. ako pupunta, bakit sasama ka?" naiiritang tanong ko.

Ewan ko ba kung bakit mabilis mag-init 'tong ulo ko. Hays. Siguro pinaglihi ako ni mommy sa sama ng loob. Well, buti nalang sanay na 'tong si Mariel sa ugali ko kaya napagtitiisan niya ko.

"Oo naman best!" nakangiti na niyang sagot.

[Fast Forward]

Pinauna ko muna si Mariel mag C.R. nang makarating kami.

"Mauna ka ng mag C.R." sabi ko sa kanya. Ngumiti lang si Mariel sakin bago pumasok sa loob ng C.R.

Naisip ko munang maupo sa bench na katapat lang ng C.R. habang naghihintay kay Mariel Jung. Saktong pagkaupo ko naman sa bench ay may narinig akong mga nag-aaway mula sa likuran ko. Feeling ko mga lalaki sila dahil ang lalalim ng mga boses nila.

Dahil sa hindi naman ako dakilang chismosa katulad ni Mariel, hindi na ako nag-abalang tignan o alamin man lang ang pinag-aawayan nila.

Naglagay na lang ako ng earphone sa tenga ko pero hindi ako nagpatugtog ng music.

Mahigit 2 minuto na nang maramdaman kong may tumabi sakin.

Hmm... mukhang mabango ang tumabi sakin dahil umabot sa ilong ko ang halimuyak ng napakabangong amoy ng pabango nito. Ano kayang brand ng pabango nito?! Ang manly at sexy kasi ng dating.

"Miss can I ask a question?" tanong ng isang cute na tinig na galing sa katabi ko.

Shit! Bakit parang biglang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan? Why?!

"Miss. Hey?" sabi ulit ni Mr. Cute ang boses, kaya niligon ko na ito. Mahirap na baka masabihan pa akong bingi.

Pagharap ko sa kanya... HOLY COW! Bakit sobrang lapit ng mukha niya s-sakin? At tsaka... anghel ba siya?! Ang gwapo gwapo niya kasi!

Hindi ko tuloy napigilan tignan ang bawat anggulo ng mukha niya. Mula sa mahabang pilikmata, matangos na medyo malaki ang ilong, dark brown eyes, kissable lips. OMG! Parang biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ginagawa at iniisip ko. Damn!

Napansin ko namang unti-unting kumukunot ang noo niya. TEKA! Bakit parang ang cute niya habang ginagawa yun? OMG! Ang gwapo gwapo niya!

FVCK! WHAT'S HAPPENING TO ME!? KAILAN PA KO NAGKAGANITO SA HARAP NG ISANG LALAKI?! SHIT. Namamaligno na 'ata ako.

"You're dreaming..." magkadikit na ang kilay na sambit nito habang nagtatakang nakatitig lang sakin.

Hindi ko tuloy ulit mapigilan ang mapapikit. OMYFVCKINGGULAY! Ang bango ng hininga niya! Amoy fresh mint 'ata.

GOSH! Bakit ba ako nagkakaganito?! Una sa pabango nito, pangalawa sa mukha nito at pangatlo dahil sa hininga naman nito. TSS. Kailangang awayin ko na kung sino man 'tong katabi ko, dahil sa walang permisong pagkausap at pagtabi niya sakin. TSS.

Minulat ko na ang mga mata ko para sana sigawan na ito, pero bigla ulit kaming nagkatitigan. FVCK! Bakit parang unti-unti ng lumalapit yung mukha niya sakin? TEKA! HAHALIKAN NIYA BA KO!?

OMERGED. Malapit na! Kunti nalang... kunting kunti nalang... iyan na! Kunti nalang... malapit n----

"Best I'm done!" sigaw ni... sino pa ba!? Edi si Mariel lang naman. PSH.

Dahil sa gulat ko, hindi ko napigilang masampal sa pinsgi ang lalaking kaharap ko.

"HAHHH!" singhap ni Mariel nang makita nito ang ginawa ko. Pero bago pa siya sumagot o magtanong man lang ay hinila ko na si Mariel paalis.

Shit! Hindi ko napansin na ang bilis na pala ng tibok ng puso ko. TSS. ANO BANG NANGYAYARI SAKIN?!

Author's note: Keep supporting! Kamsaaaa. ^_^

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon