Papasok na kami sa loob ng school, syempre kasama ko pa din ang BTS. Nauuna lang akong maglakad sa kanila papunta sa building ko. Mabuti nalang at oras na ng klase kaya wala ng estudyanteng nasa labas, pwera nalang samin.
"Ang weird talaga ng school ni noona..." narinig kong sabi ni Jimin mula sa likod ko.
Tumingin ako sa kanila nang nasa tapat na ako ng building namin para magpaalam sa kanila. Kahit papano naman kasi ay medyo naging close ko na agad sila, pwera nalang kay Mr. Sungit, yung lalaking may bandana sa ulo. Tss.
"Bye!" nakangiting paalam ni Jimin sakin.
"GASEYO!" sabat naman nila V at Jin.
"Huh?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ko talaga maintindihan minsan yung mga sinasabi nila, lalo na kanina nung nasa van pa kami. Tss. Ano kayang 'languange yun, nang mapag-aralan ko din? Psh.
"BYEEEE!" sabay na sabi nila.
Nginitian ko lang sila bago lumingon sa gawi ni Jungkook. Tumango lang siya sakin bago siya naglakad palayo, kaya naman sumunod na sa kanya yung anim. At ako naman ay umakyat na papunta sa room ko.
[Fast forward]
Pagkapasok ko sa loob ng room. As usual, lahat ng kaklase ko ay napatingin sakin. Tinaasan ko lang sila ng kaliwang kilay ko. Tss.
"Why are you late Ms. Lu?" tanong ni Ma'am Ramirez mula sa harapan ng room.
"Traffic po." pagsisinungaling ko.
Alam kong hindi magagalit si Ma'am Ramirez kahit na-late pa ako. Siya kaya ang pinakamabait na teacher na nakilala ko sa buong taon na pag-aaral ko dito sa CNA.
"Ok. Sit down." nakangiti niyang sabi saka nagpatuloy na sa pagtuturo.
See? Ang bait niya, diba?
Nakinig na ako sa lecture ni Ma'am, kahit wala naman akong maintindihan sa sinasabi niya. Naiisip ko kasi yung tinanong ni Jungkook kanina. Psh. Ewan ko ba kung bakit parang nakakaramdam ako ng panghihinayang. Tss! Nababaliw na siguro ako...
[Fast Forward]
"CLASS DISMISS!" sigaw ni Ma'am bago siya lumabas sa room namin.
Ay, sa wakas! Nakaramdam din si Ma'am. Psh.
Naglakad na ako agad palabas ng classroom, dahil wala naman akong dapat pang hintayin. Tss. Napansin ko si Mariel Jung na nakatingin sakin, inismidan ko lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkalabas ko ng building, nakita ko si Jungkook na nakatayo sa labas ng building namin, na animo may hinihintay. Baka ako yung hinihintay niya? Tse. Ang assuming ko masyado! Psh.
Naglakad ako sa harapan niya, hindi para magpapansin huh!
"Erist..." narinig kong tawag niya.
Psh. Sabi na! Ako yung hinihintay niya eh...
"Why?" tanong ko sa kanya.
Napansin kong lahat ng estudyanteng nasa hallway ay nakatingin sa gawi namin habang nagbubulungan. Tss.
"Pupunta ka bang canteen?" tanong din niya.
"Oo!" mataray na sagot ko, habang todo taas ang isang kilay ko sa lahat ng mga taong tumitingin at nagbubulungan malapit samin.
"Tara, sabay na tayo." sabi niya bago hinatak ang braso ko.
"Ok." yan na lang ang nasabi ko. Kinakaladkad niya na ako papuntang canteen. Ako naman ay nakayuko lang dahil nakakarinig ako ng mga bulungan sa paligid ko. Baka kasi hindi ako makapagtimpi at bigla ko nalang silang mapatulan, nakakahiya kay Jungkook... TEKA! Bakit naman ako nahihiya sa kanya? Tss.
BINABASA MO ANG
The Bangtan Maknae Tears [BTS-Jungkook]
Fiksi Penggemar"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." --- Jungkook.