CHAPTER 23

124 8 1
                                    

"Jungkook?" tawag ko sa pangalan niya habang nakasubsob pa din ang mukha ko sa leeg nito, at patuloy pa din kaming magkayakap.

"Hmm?" tanong niya pero hindi pa din bumibitiw sa yakap namin.

"Nahihiya ako..." turan ko.

Bigla namang kumalas ng yakap sakin si Jungkook at seryosong tinitigan ako. Shit! Feeling ko namumula na talaga ang buong mukha ko sa paraan ng pagtitig niya sakin, mula pa kanina...

"Why are you shy? Are you ashame that I'm your boyfriend, now?" seryosong tanong niya pero magkadikit ang kilay niya habang sinasabi 'yun. Alam kong naiinis siya sakin...

Yumuko ako para hindi nito makitang kinakagat ko ang labi ko dahil sa sobrang kaba at hiyang nararamdaman ko. Idagdag pang naiinis sakin si Jungkook. Hays! Parang sinira ko tuloy ang moment namin kanina.

"Ano na?" narinig ko ulit na tanong niya.

"Hindi... nahihiya lang ako... kasi ang daming tao." mahina kong sagot.

Nagtataka na talaga ako sa sarili ko kung bakit nga ba ako nahihiya sa kanila. Samantalang dati, wala akong pakielam sa kanila! Tatarayan ko lang sila para hindi na sila tumingin sakin... pero ngayon, hindi ko magawang sumulyap man lang sa kanila dahil sa sobrang hiya't kabang nararamdaman ko.

"Tss!" anas niya lang.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Alam kong lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Pero hindi ko alam kung bakit naging mas koportable ako dahil hawak niya ang kamay ko.

Sa hindi inaasahan, biglang umulan ng malakas dahilan para bumitaw ako sa pagkakahawak ni Jungkook sa kamay ko. Tatakbo na sana ako papasok sa corridor... kaso pinigilan ako ni Jungkook.

"Don't..." sabi nito nang tumingin ako sa mata niya.

"Mababasa yung uniform ko... baka hindi na naman ako makapasok ulit ngayon." diretso lang ang tingin ko sa kanya habang sinasabi ko ang mga salitang 'yan.

Hays! Bakit parang gumwapo yata sa paningin ko si Jungkook? Parang gusto kong hawakan ang buhok niya, mata niya, ilong niya at higit sa lahat... ang labi niya. TEKA! Ano ba 'tong mga sinasabi ko! Nakakahiya...

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita na si Jungkook.

"Please?" parang nagmamakaawang sabi nito... sabay lahad ng kamay niya sakin.

Hays! Wala na akong magagawa, alangan naman iwan ko ang boyfie ko dito. Boyfie ko? Hihihi... Eh? Kailan pa ako natutong kumiringking? 'Ngayon lang dahil kay Jungkook' anang isip ko.

Inabot ko na ang kamay niya, at nagulat naman ako ng inintertwin niya ang mga daliri namin sa kamay.

"AYIEHHH!" narinig kong hiyaw ni V mula sa likod namin. Basa na din ang mga damit nila, hindi din kasi sila sumilong katulad namin. Ang mga ARMY naman ay nagsisiunahang makapasok sa loob ng building para hindi sila mabasa. At ang mga kaschoolmate naman namin na nasa mga building ay nagsipasukan na siguro sa mga room nila, baka pinagalitan sila ng nga mga teacher. Psh.

Pilit kong kinukuha ang kamay ko kay Jungkook dahil nahihiya na talaga ako. Nakatingin na kasi samin yung iba pang kaibigan niya habang pilyong ngumingiti sila samin ni Jungkook. Pero itong si Jungkook, parang wala lang sa kanya kung tinitignan na kami ng lahat. Psh.

"Maknae... dahil may girlfriend ka na, kailangan mong magpush push dance." narinig kong sabi ni J-Hope.

Napatingin naman agad ako kay Jungkook at halos matawa ako sa reaksyon nito. Bigla kasing namula ang buong mukha ni Jungkook kaya todo iwas siyang mapatingin sakin dahil tinititigan ko siya. Eh? Ang cute niya kasing magblush... kaya tinititigan ko siya. Psh.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon