** Jeila POV **
"Ingat ka, baby. Mahal ka ng mommy at daddy huh. Tandaan mo yan." nakangiting paalam ni mommy bago ako hinalikan sa noo.
Ngumiti lang ako kay mommy bago sumakay sa kotse ko.
[Fast Forward]
Palapit na ang sasakyan ko sa school, nang may biglang humarang na mga tao sa dadaanan ng kotse ko... kaya naman napapreno ako ng todo.
"Fvck! Muntikan na 'yon." mura ko habang inaalis ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko, dahil sa pagkasubsob ko sa manibela.
Sunod kong tinignan aman ang mga taong nakaharang sa dadaanan ko. Tss. Mahahalatang mga estudyante sila dahil puro lahat sila ay mga nakauniform, pero hindi uniform ng CNA. Pero may mangilan-ngilan din naman na taga-CNA akong nakita.
Nakatingin silang lahat ng masama sa kotse ko... or should I say SAKIN!?
Seriously, anong trip nila? Tss. Makakatikim talaga sakin ng malulutong na salita, PROMISE!
"Magpapasagasa ba kayo huh!? Kung gusto niyong magpakamatay, dun kayo sa ilog tumalon! Bwisit!" iritadong sigaw ko sa kanila nang maibaba ko ang bintana ng kotse ko.
"Siya ba ang sinasabi nilang nanampal kay oppa? Tss... mukha nga talaga siyang bitch, slut at whore." narinig kong sabi nung babaeng nakapigtail ang buhok, na mahahalatang bata pa.
Ako? Bitch? Slut? Whore? Tanga ba 'tong babae!? Eh mas mukha pa nga siyang BITCH, SLUT at WHORE kesa sakin. Tss. Capitalized na 'yan para DAMANG DAMA niya! Psh. Super iksi pa nga ng palda niya kesa sakin. Tss.
"Hoy neneng! Umayos ka sa pananalita mo. Baka gusto mong makatikim?" nagbabantang tanong ko habang nakasilip pa din sa bintana ng kotse ko.
Mukha naman silang natakot sa sinabi ko, pero hindi pa din sila nagpatinag. FVCKINGSHIT! Iniinis talaga nila ang araw ko! ARRRGHH!
Pinaandar ko muna ang kotse ko para maigilid ko ito dahil masyadong nakaharang sa daanan.
Muntikan pa akong matawa sa kanila dahil bigla silang nagsilayuan. Akala siguro nila na sasagasaan ko sila? Psh.
Pagkatapos maitabi ang kotse ko sa gilid, bumaba na ako agad ng kotse ko para paalisin sila. Wala na ko sa huwisyo para mang-away pa, dahil gusto ko na talagang pumasok sa room... pero sinigawan lang nila ko.
"BITCH! SLUT! WORE!" sigaw nila sakin nang makalabas ako sa kotse ko.
"HINDI KAMI NATATAKOT SAYO!" sigaw ulit nilang lahat sabay sugod nila sa akin.
Nagulat ako dahil sa mabilis nilang pasugod sa'kin. Hindi agad ako nakareact nang sinimulan nila kong sabunutan, kalmutin, suntukin at sipain. Ewan ko kung bakit parang naging mahina ako ngayon. Hindi ko magawang makaganti dahil sa sobrang dami talaga nilang sumugod sakin, at gulat pa din ako sa nangyayari. May mga babae, bakla, lalaki at tomboy 'ata ang nananakit sakin ngayon.
"Fvck! Kapag ako nagkapeklat huh!" inis na singhal ko sa kanila habang pinipilit kong gumanti na ng sapak sa bawat matatamaan ng kamao ko.
Napansin kong marami ng pumipigil sa kanila na empleyado ng school namin, pero sadya sigurong marami sila kaya hindi nila maawat ang mga nangyayari.
Nararamdaman ko na lang ang hapdi at kirot ng ginagawa nila sakin, na kahit kelan ay hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko. Ngayon lang... at feeling ko halos namanhid na lahat ng parte ng katawan ko, sa sobrang sakit.
Gusto kong umiyak at magmakaawang tumigil na sila... pero ako si JEILA ERIST LU! Kahit kailan, hindi ako iiyak at magmamakaawa kahit kanino.
Tuloy lang ako sa pagtanggap ng galit nila sakin. Sa pagsampal, pagsuntok, pagsabunot, pagkalmot at pagbatok nila sakin. Ang ipinagtataka ko lang... bakit ba nila ginagawa sakin 'to? At bakit parang galit na galit sila sakin? Eh hindi ko naman sila mga kilala! Tss. Mga abnormal siguro 'tong mga 'to! Tss!
BINABASA MO ANG
The Bangtan Maknae Tears [BTS-Jungkook]
Fanfiction"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control." --- Jungkook.