CHAPTER 14

117 15 1
                                    

At House.

Papasok pa lang ako sa bahay nang marinig ko agad ang boses ni mommy.

"Mabuti naman at umuwi kana..." nag-aalalang sabi ni mommy bago yumakap sakin. Naramdaman kong humihikbi siya habang nakayakap sakin, kaya niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Mommy, wag ka ng umiyak. Wala namang masamang nangyari sakin." pagcocomfort ko sa kanya.

"Akala ko kasi iniwan mo na din ako, katulad ng daddy mo." humihikbing sabi nito.

Nabigla naman ako sa sinabi ni mommy, dahil naalala na nitong patay na talaga si daddy. Minsan kasi naghahallucinate si mommy na buhay pa si daddy.

"Mommy, hindi kita iiwan. I promise." pangako ko sa kanya kaya tumahan na siya sa pag-iyak at kumalas na sa pagkakayakap sakin, saka ako tinignang mabuti.

"Parang maputla ata ang balat mo anak..." nagtatakang puna nito.

Napangiwi ako dahil sa sinabi ni mommy. Halatang nagdududa siya pero mabuti nalang at nalagyan ko na ang mga sugat ko ng concealer bago ako umuwi.

"Mommy, nagugutom na ako. Tara na sa kusina." palusot ko habang inaakay si mommy papuntang kusina.

[Fast Forward]

Kasalukuyan na akong nandito sa kwarto ko. Balak kong mag-online sa facebook at twitter kaya naman heto ako, nakadapa sa kama habang nagsisimulang itype ang email at password ko sa facebook.

Pagpindot ko ng log-in ay.....

"Bakit ang dami kong notification, message at friend request?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Sinimulan kong pumunta muna sa profile ko at... BOOM!

"ANO 'TO!?" gulat na saad ko habang nanlalaki ang matang nakatitig sa post na nabasa ko sa timeline ko.

Jungkook oppa is confirmed that he's in relationship with the girl who slapped him in CNA. They had a LQ (Love Quarrel), that's why the girl slapped him hard in the face. Her name is Jeila Erist Lu.
Posted by: ARMY Group.

Like: 0
Comment: 145K

"WHAT THE EFF!" gulat na hiyaw ko. Seriously, maraming nagcomment pero ni isa, wala man lang naglike? Psh. Hindi ba sila natutuwa dahil kami ng Jungkook oppa nila? Wait! Did I sounds like 'they should be happy because I'm in relationship with him?' Like duhhh! It's not! Psh.

Ano ba kasing mga pinagsasabi ng ARMY Group na 'to? At tinag pa talaga nila sakin. Tss.

Tinignan ko naman isa-isa ang mga comment. At nagulat lang ulit ako dahil puro pambabash lang naman ang nababasa ko. Tulad ng:

Hindi sila bagay! -- Flirtgurl
No. It's not true! Huhu. -- KookieForever
Pinagtatanggol lang siya ni oppa! Kunwariang relasyon lang yan. -- HateMeBitch
Prove it first! -- IHateYouJeila

"Wow! Sikat na ko..." sarkastik kong bulong habang tinitignan naman isa-isa ang friend request ko. Fvck! Puro haters 'ata ang lahat ng nag-add sakin. Tss.

Sunod naman na tinignan ko ay ang mga messages ko. Well hindi na ako nagulat kong puro mura at mga panlalait lang ang mabasa ko sa messages. Kung dati, CNA haters lang ang meron ako. Ngayon AU at ARMY 'ata ay meron na rin akong haters? Tss...

"Agggghhhh! Bwisit! Dahil sayo 'to Jungkook! May paconfirm confirm ka pang nalalaman! Kelan pa tayo naging mag-on! KELAN?! Bat hindi ko alam!? Hindi man lang ako nasabihan... arggghhh! Bwisit! Leche! Humanda ka sakin bukas! Tss!" naiinis na sigaw ko habang dinudutdot ang laptop ko.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon