Year 2012 ( Sa bahay ni Eunice)
Maagang nagising ang dalaga dahil sa kanyang bisita.
Si Myra, ang matalik na kaibigan ng dalaga.
"Ang aga mo naman ata mambulabog??" tanong ni Eunice sa kaibigan.
"Eh pano, nakakatamad sa bahay eh, walang ibang gawain kundi magbantay ng pamangkin ko! Nkakatamad na kaya!". mabilisang sagot ng kaibigan.
Lumapit si Eunice sa kanyang kaibigan at sabay sabing:
"Ganun talaga noh !
Pamangkin mo naman yung pinapa-alagaan sayo eh! ".
Ngunit sa halip na magustuhan ni Myra ang sinabi ng kaibigan ay tumaas pa ang kilay nito.
"hmmp! kahit na noh ! ". pataray na sagot nito.
"o siya, uminom ka nalang ng juice, pantagal ng init ng ulo mo". birong sabi ni Eunice
Habang nag-aagahan ang dalawa ay bigla nalang nag ring ang phone ni Eunice. Dinampot nya ito at kinausap ang taong nasa kabilang linya. Si Cj, Isa sa mga kaibigan ng dalaga, Isang Bisexual, kasama ang dalawa pang kaibigan nila na sina Reins at Gervin parehong Bisexual din.
*ON THE PHONE*
Eunice: Hello? Napatawag ka yata??
Cj: Sama kayo mamaya huh...
Eunice: Saan naman yan?
Cj: Doon sa Resthouse na inupahan nila Erice..
Eunice: Anong meron?
Cj: Celebration lang, kasi malapit na tayong magtapos.
Eunice: Sige. Magtetext nalang kami..
Cj: O sige. Asahan ko yan. Bye
Binaba ni Eunice ang phone nya at kinausap siya ni Myra.
"anong sabi? ".
"Ano pa nga ba?? walang pagbabago." Sagot ng dalaga
"hay naku, Bonding nanaman? pero mas ok na iyon kaysa mag-alaga". biro ni Myra
Samantala.....
Magkakasama naman sina Cj, Reins at Gervin.
"Ano ? Go ba sila ?". tanong ni Reins kay Cj.
"Oo, Join daw sila mamaya". galak na sagot ng kaibigan
"Buti naman, kala ko aayaw nanaman sila eh". pahabol ni Gervin.
"Hindi sila makakatanggi kapag kasama ako". pag mamayabang ni Cj sa dalawa.
"Lakas mo talaga..... Nasaan na nga pala sina Maycee at Hannah?". paghahanap ni Reins.
YOU ARE READING
13th photos
HorrorLabing pitong kabataan ngunit Labing tatlong Larawan lamang... Sino-sino ang mawawala? Sino-sino ang matitira? Malulutasan pa ba nila ang Sumpang kailan man ay hindi na matatakasan?