Chapter 6

581 10 1
                                    

Kinagabihan, Eksaktong 7:45 P.M ay malapit ng matapos sa inuman sina Maycee, Napansin naman agad ni Hannah na nakapikit na sa sofa si Erice, Nilapitan niya ito at sinubukang gisingin.

"Erice ! Gumising ka nga diyan!." galit na sabi ng dalaga

Ngunit hindi na magising ang binata.

"Hay naku, Itigil mo na yang pag-gigising mo sa kanya at siguradong bukas na gigising yan." biglang sabi ni Maycee

"Tama si Maycee, Kilala ko yan si Erice, Naging antukin na yan." dagdag pa ni Jerald

"Itigil nyo na nga yan, mga lasing na kayo." utos ni Hannah

"Hindi pa kaya, Kaya pa na..." 

Magsasalita pa sana si Jerald ngunit bigla siyang tumakbo patungong banyo at nagsimulang dumuwal.

"Ako ng bahala kay..

Napahinto sa pagsasalita si Hannah ng bigla niyang marinig ang boses ni Gervin.

"Oops ! Tandaan ang pinag usapan."

Walang nagawa si Hannah kundi manahimik nalang sa isang tabi.

"Go Reins ! Its your time to shine." tukso nito sa kaibigan

Dali dali namang nagtungo sa banyo si Reins. Pagdating niya sa banyo....

"Ano? Kaya mo pa ba?." tanong niya sa binata

Hindi sumagot ang binata, matapos maduwal ni Jerald ay tumayo na siya, Halata sa mukha ng binata na lasing na ito. Pagdilat niya ng kanyang mga mata, Nakita siya si Hannah. Napagkamalan niyang si Hannah ang nakatayo sa kanyang harapan.

"Ha-hannah." bulong ng binata

Nagulat si Reins sa mga sumunod na nangyari. Bigla siyang hinalikan ng binata. Halik na sobrang siil, Hindi na pinalagpas pa ni Reins ang pagkakataon. Hinubaran niya agad ng damit ang binata. Hinimas himas niya ang harapang bahagi ng katawan ni Jerald. Hanggang sa nararamdaman niyang nagagalit na ang alaga ng binata, Dahan dahan niyang binuksan ang zipper ng pantalon ng binata hanggang sa naka brief nalang ito. Ipapasok na sana ni Reins ang kamay niya sa loob ng brief ng binata ng biglang natauhan si Jerald. Nagulat siya sa nakita at agad niyang sinuntok si Reins.

"Ah !!!." malakas na sigaw ni Reins

Narinig naman ni Gervin ang sigaw ng kaibigan. Bagama't tulog na ang ibang kasamahan nila ay siya nalang ang nagtungo sa kinaroroonan ng kaibigan. Pagdating niya doon ay nadatnan niya ang kanyang kaibigan na nakaupo sa sahig at dumudugo ang ilong.

"Reins, anong nangyari? Jerald anong ginawa mo?." nag-aalalang tanong nito

"Pinagsasamantalahan niya ako!." sagot ng binata

"Hindi kita pinagsasamantalahan! Ikaw ang unang nagbigay ng motibo!." galit na sagot ni Reins

"Panong ako?." taka ng binata

"Ikaw ang unang humalik sakin!."

Nagulat ang binata sa narinig.

"Pinatulan ko ang bawat halik mo sa akin kasi mahal kita. Ikaw lang ang inaasam ko." dagdag pa ni Reins

Natahimik sila..

"Ganito nalang, Gumawa tayo ng deal." sabi ni Gervin sa dalawa

13th photosWhere stories live. Discover now