Kinabukasan... Nagising si Cj at nasilayan niya ang mukha ng binatang si Leonard. Napangiti na lamang siya.
"Good Morning." bati ni Leonard
"Good Morning din." agad na bati din ni Cj
"Salamat nga pala Cj."
"Salamat? Saan?." takang tanong ni Cj
"Sa lahat lahat." naka ngiting sabi ng binata
"Ha?." maang naman ni Cj
Nabigla na lang siya ng bigla siyang halikan ni Leonard sa pisngi.
"Tara na, Hatid mo na kami sa gate. Kanina pa nag-aayang umuwi yung dalawa eh." sabi na lamang ni Leonard
"A, Sige."
Nagtungo na sila sa garahe at kinuha ang sasakyan. Maya maya pa ay nagpaalam na silang umuwi. Pagka alis ng mga kaibigan niya ay nagtungo na ulit siya sa loob ng bahay at sinimulan niyang linisin ang mga naiwan na kalat.
Si Myra naman ay kasalukuyang patungo sa warehouse nila Prolet. Pagdating niya doon ay nadatnan niyang abala ang binata sa ginagawang Chandelier.
"Prolet!." tawag ng dalaga
"Oh, Napadalaw ka yata?." gulat na sabi ng binata
"Papagawa sana ako sayo ng Cabinet, kaso mukhang matatagalan ka pa yata diyan."
"Malapit na itong matapos. Konti nalang. Teka, kuhaan muna kita ng maiinom habang naghihintay ka"
Pumasok sa loob ang binata at kumuha ng Tea. Ilang saglit lang at nakabalik na ito sa dalaga.
"O, Inum ka muna, maya maya tapos na ito." sabay abot ng tasa ng Tea
"Salamat. Infairness ha, maganda ang pagkaka-gawa mo diyan." bola ni Myra
"Syempre naman. Professional eh." sabay tawa ni Prolet
"Hmmp! Yabang ah. Sumama ka ba sa kanila kagabi?." tanong ng dalaga
"Hindi eh, magdamag ko kasi itong ginagawa, basta ikaw ng bahala magbigay nito kay Jonalyn ah." utos ni Prolet
"Bakit? Aalis ka?."
"Hindi no, Syempre nakakapagod gumawa tapos ako pa ang maghahatid." reklamo ni Prolet
"Sabagay." sang ayon naman nito
"Sandali lang ha, Magtutungo muna ako sa banyo saglit."
Nagpunta si Prolet sa banyo. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.
"Sino naman itong nagtxt?." pagtataka pa niya
Pagbukas niya ng inbox ay binasa niya ang mensahe.
Message: You have received the fifth photo of my curse.
Sa ibaba ng mensahe ay may larawan na nakalagay. Nakita niya doon ang larawan nilang magkakaibigan na kasama si Kristel. Ngunit napansin niya dito na wala sa larawan sina Mouriel, April, Diosa, Reins at Gervin, at burado naman ang kanyang mukha.
"Ganito ba to?."
Napangiti ang binata at binura ang larawan. Lumabas na ulit siya patungo kay Myra ng bigla siyang lamigin. Tumaas ang balahibo niya.
YOU ARE READING
13th photos
HorrorLabing pitong kabataan ngunit Labing tatlong Larawan lamang... Sino-sino ang mawawala? Sino-sino ang matitira? Malulutasan pa ba nila ang Sumpang kailan man ay hindi na matatakasan?