Chapter 13 (The Revelation Finale)

496 21 16
                                    

Nilibot nila ang buong abandonadong factory, pagdating nila sa second floor ay tumambad sa kanilang harapan ang lalaking pinag-uusapan nila. Si Paul Kim.

Agad na lumapit ang dalawa at kinalagan ito mula sa pagka-gapos.

 "Anong ginagawa mo dito? Sino nagdala sayo dito?." nag-aalalang tanong ni Eunice sa binata.

"Hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito, ang naaalala ko ay nasa rest house ako ng biglang may humampas ng kahoy sa batok ko." paliwanag niya.

Napalingon si Paul Kim sa kasama ng dalaga. Bakas sa mukha nito ang pagka-gulat at galit.

"Anong ginagawa mo dito?! Siguro ikaw ang nagdala sa akin dito!." galit na sabi ng binata.

"Hindi, Mali ang inaakala mo. Wag kayong mag-alala tutulungan ko kayo." maiksing sabi ni Cj.

"Baka naman pinapaikot mo lang kami, Mahirap ng magtiwala sa taong minsan ng nanloko samin." sabi naman ni Eunice.

"Magtiwala lang kayo."

Naglakad ang tatlo at muling pinag-usapan ang nangyayari sa kanila.

"Anong kinalaman mo sa sumpa?." tanong ni Eunice kay Cj.

Bahagyang natahimik si Cj bago muling magsalita.

"Kasalanan ko kung bakit nagkaroon ng sumpa, at kung bakit isa isa kayong inuubos."

"Bakit? Anong ginawa mo?." muling tanong ng dalaga.

Napahinto sila sa paglalakad, napa-upo si Cj at napa-iyak.

"Hindi ko sinasadya, hindi ko talaga balak na gawin yun. Sana pala hindi na ako nakipag sabwatan sa kanya." sabi nito habang patuloy sa pag-iyak.

"Sabwatan?? Kanino ??." nalilitong tanong ng dalaga.

Ngunit bago magsalita si Cj ay nakita ni Paul Kim ang cellphone si Erice.

"Cellphone ito ni Erice diba?."

Tinignan nila ang cellphone at nakita nila ang larawan. Nagulat sina Eunice at Paul Kim ng makitang maigi ang larawan, napansin nila dito ang isang taong akala nila na patay na.

"Bakit nandito pa siya sa larawan? Kapag namatay dapat wala na sa larawan.." sabi ni Eunice.

Hindi umimik si Cj.

"Huwag mong sabihing... Kasabwat mo si ..."

Nahinto ang sasabihin ni Eunice ng lumabas ang isang tao sa dilim na naka black coat at may hawak na baril. Itinutok nito ang kanyang baril sa harapan nilang magkakaibigan. Napaatras sina Eunice at Paul Kim, ngunit naka yuko lang si Cj at umiiyak.

13th photosWhere stories live. Discover now