Sa Park ...
"Sino sino maghahatid kay Diosa sa airport?". seryosong tanong ni Maycee
"Ako, tapos sina Cj, Paul Kim, Leonard at Abby". agad na sagot ni Erice
"Pasensya hindi kami makakasama nila Hannah kasi may pictorial kami, Anong oras ba alis nyo bukas?." tanong ulit ng dalaga
"Kailangan mga 4:00 a.m nandun na kami, 6:00 a.m ata ang flight niya." muling sagot ng binata
Samantala..
Magkakasama naman sa bahay ni Diosa sina Jonalyn at Prolet...
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?." sambit ni Jonalyn habang tinutulungan na mag impake ang kaibigan.
"Oo, Sigurado na ako. Maganda na rin yun at mabibisita ko ang mga kamag-anak ko." agad na sagot nito.
Ilang oras lang ang nakalipas at umuwi na sina Prolet.
Sa bahay naman ni Eunice .. Nagtitimpla ng red juice ang dalaga at naupo sa mesa habang tinitignan ang mga larawan nilang magkakaibigan.
"Ang cute naman ng pose ni Diosa dito." naka ngiting sabi ng dalaga ng mapansin ang isang larawan ng kaibigan ..
Pagkalapag niya ng picture ay natabig naman niya ang baso na may laman na red juice. Nabuhusan nito ang ibang litrato. Dali dali naman kumuha ng basahan ang dalaga. Pinunasan niya ang mesa, Pag angat niya sa isang larawan bigla siyang kinabahan. Nabuhusan ng juice ang larawan ni Diosa. halos nagmukang dugo ang red juice na natuyo dito.
"Diosa ?." pabulong na nasabi na lamang ng dalaga.
Dali dali niyang kinuha ang phone niya at tinawagan ang kaibigan.
*On the Phone*
Diosa: Hello ? (inaantok)
Eunice: Ok ka lang ba?
Diosa: Oo naman, Ayos lang ako.
Eunice: Wala bang nangyaring masama sayo?
Diosa: Wala naman. Sige na inaantok pa ako. bye.
Samantala ...
Nagpunta naman si Myra sa bahay nila Jerald.
Myra: Jerald ? Jerald ..
Maya-maya pa ay dumating na ang binata. Naka sando at naka boxer lang ito .
"Oh Myra, napasyal ka ata?." tanong ng binata
"Ahm kukunin ko lang sana yung naiwan kong bag dito." mabilisang sagot nito
"Ah Oo nga pala, tara pasok ka muna." aya ni Jerald sa dalaga
Pag pasok sa loob.. Naupo sila sa sofa.
"Anong gusto mong inumin? Juice or Coffee ?." tanong nito
"Juice nalang ." maiksing sagot ng dalaga
Agad naman nagtungo sa kusina ang binata. Ilang saglit lang at naka balik na ito. Habang umiinom ang dalaga ay tinitignan naman siya ng binata. Nakaramdam ng init sa katawan ang binata.
YOU ARE READING
13th photos
HorrorLabing pitong kabataan ngunit Labing tatlong Larawan lamang... Sino-sino ang mawawala? Sino-sino ang matitira? Malulutasan pa ba nila ang Sumpang kailan man ay hindi na matatakasan?