Chapter 2

766 20 4
                                    

At exactlly 7:30 pm

Nakarating na sina Eunice sa Venue. Rinig nila ang ingay ng tugtog at ingay ng sigawan ng mga kaibigan. Halatang nag-sisimula na ang kasiyahan. Pinag-buksan ni Paul Kim ang dalaga ng pinto at sabay na pumasok sa loob.

"Hi guys ,, buti nakarating kayo." masiglang bati ni Hannah sa mga kaibigan

Nagbatian ang mga magka-kaibigan at nagsimula ng kumain ang iba. Samantala sinimulan naman nila Erice ang inuman.

"Cheers Guys !!!.. Para sa nalalapit na tagumpay ." sigaw ni Erice sabay lagok sa alak.

Tuloy ang kwentuhan, halakhakan at kasiyahan ng mga mag-babarkada. Makalipas ang ilang minuto ay nag karoon sila ng mga games.

"First Game, Eating Apple with the twist of Vodka." sabi ni Erice habang umiinom ng alak

"Hala? sakit sa lalamunan nyan." hirit ni Jonalyn

"I need three pairs, at dahil walang couple dito ako nalang ang mamimili." sabi ni Erice sa lahat.

Halos iba iba ang reaksyon ng mga kasama ni Erice sa mga oras na iyon. Ang iba ay mukang excited, samantalang ang iba naman ay kanakabahan.

"First Couple: April and Abby..

"Second Couple: Jerald and Hannah..

"Third Couple: Paul Kim and Eunice.." 

Halos mapa ayaw si Eunice sa narinig. Pilit na tumanggi ang dalaga dala ng kanyang kahihiyan sa binata na ipinares sa kanya.

"Huwag kang mag alala, wala akong ibang gagawin. Basta magtiwala ka lang." mahinahong sabi ni Paul Kim sa dalaga.

Walang nagawa si Eunice kundi sumunod na lang.

Tumayo ang mga magkaka-pareha at nanatili sa gitna. Hinihintay ang utos ni Erice upang masimulan ang laro.

"On my command, 

One...

Two...

Three...

Go... ! " utos ni Erice.. Hudyat na simulan na ang laro...

Nagsimula na ngang kagat-kagatin ang mansanas na hinaluan ng vodk. Nagkaka ilangan naman sina Eunice at Paul Kim. Hanggang sa napansin nila na malapit ng maubos ang sa kalaban nila. Nagsimula ulit ang dalawa, ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari, tumaliwas ang mansanas at bahagyang nagka dikit ang mga labi nila Eunice at Paul Kim. Napahinto ang dalawa at natulala.

Agad naman silang tinukso ng mga kasama nila, Bigla na lamang naramdaman ng dalaga na umiinit ang katawan niya. Init na naglabas ng pamumula sa kanyang mukha. Nahinto na lamang ang pagiging tulala niya ng biglang may sumigaw.

"Yehey !!! Panalo kami !!! ." sigaw ni Hannah na galak na galak

Nahiya ang dalaga at lumakad palayo sa kanila, Nagtungo ito sa garden. Napansin ito ni Paul Kim at sinundan niya ang dalaga.

Nadatnan niya na naka upo si Eunice sa gilid ng Fountain. Tinabihan niya ito at kinausap. Napansin niyang parang maluha-luha ang dalaga.

"Umiiyak ka ba?." tanong ng binata

"Hin..Hindi ah, napuwing lang ako." palusot naman ni Eunice

13th photosWhere stories live. Discover now