"Hindi kaya???. Ito ang matatanggap nila bago sila tuluyang mamatay??." sabi ni Eunice sa sarili ng makita niya ang larawan sa cellphone ng kanyang kaibigang si Myra
Itinaas nya ang cursor at nabasa niya doon ang curse message at pangalan ni Kristel.
"Ha? Si Kristel? Kailangan nilang malaman ito."
Kinabukasan...
Nagkita-kita sila sa Park.
"Guys, kailangan niyo itong malaman.." sabi ni Eunice habang papalapit sa kanyang mga kaibigan
"Asus Eunice, Hindi na kailangan. Alam na namin yan, diba Maycee?." sabi ni Hannah sabay baling ng tingin sa kaibigan
"Paano niyo nalaman?." nagtatakang tanong ni Eunice
"Nice one Eunice.. Congrats." bati ni Leonard
"Ano bang sinasabi niyo?." gulong gulo ang isip ng dalaga
"Congratulations sa inyong dalawa ni Paul Kim." naka ngiting sabi ni Erice sa dalaga
"P-pero, hindi iyon ang tinutukoy ko." utal na sabi ng dalaga
"Hay naku, mabuti pa at magcelebrate tayo. Tara kain tayo ng pizza." aya ni Hannah sa lahat
Hinatak na nga nila si Eunice at nagsimula na silang magsayahan. Habang patuloy naman sa pagsasayaw at pagkain ang iba ay nakatahimik naman sa sulok ang dalaga. Hanggang sa lumapit sa kanya si Hannah.
"Gurl, bat ang tahimik mo?. Tara sayaw tayo, saka ang daming pizza oh."
"Sige kayo nalang, may pino-problema pa ako."
"Hay naku, kalimutan mo na muna yang mga problema. Magsaya na muna tayo."
"Ayoko talaga, wala ako sa mood."
Tumayo na si Hannah. Tuloy pa rin sila sa pagkanta, pagsayaw at pagkain. Ilang minuto pa at napagod din sila. Naupo sila sa sofa at kumain na lang.
"Ang takaw mo talaga Maycee." asar ni Erice sa dalaga.
Nagtampo naman agad si Maycee at tumalikod sa binata.
"Galit agad?, Pakiss na lang." pagsuyo naman agad nito
Naghalikan ang dalawa sa harapan ng mga kaibigan nila.
"Inggit si Jerald. Hindi maka-halik kay Hannah." tukso naman ni Leonard
Lumapit si Jerald kay Hannah.
"Sorry na Hannah, Pangako hindi ko na uulitin. Mahal kita, alam mo yun." maamong sabi nito
"Kung mahal mo ako, bakit nagawa mo akong lokohin?." naka taas kilay na sabi ng dalaga
"Sorry, Pero promise wala na talagang iba, Ikaw lang." sabay halik sa palad ng dalaga
Naghalikan din ang dalawa. Inulit din naman ni Erice at Maycee ang halikan nila.
"Last na yan huh." sabi pa ni Maycee matapos halikan si Erice
Natigil ang kanilang harutan ng magtanong si Abby kay Eunice.
"Ano nga palang sasabihin mo?." tanong ni Abby
Pero bago maka sagot si Eunice ay biglang nagpaalam si Maycee.
YOU ARE READING
13th photos
HorrorLabing pitong kabataan ngunit Labing tatlong Larawan lamang... Sino-sino ang mawawala? Sino-sino ang matitira? Malulutasan pa ba nila ang Sumpang kailan man ay hindi na matatakasan?