Chapter 11

333 10 3
                                    

Isang linggong nagkulong sa rest house ang apat na magkakaibigan.

"Puro ganito nalang ba?." basag ni Leonard sa sobrang tahimik sa loob ng rest house

"Halos isang linggo na tayo dito., Dito nalang ba tayo habang buhay?." dagdag pa nito

Nagka tinginan silang lahat ..

"Maganda ng nandito tayo, hindi nyo ba napapansin wala ng nangyayaring masama." mahabang sabi ni Eunice.

"Baka naman wala ng sumpa?." sabay tayong tanong ni Leonard

"Sana nga wala ng sumpa, Sana sa araw ng kaarawan ni Eunice walang mangyaring masama." pag aalala ni Paul Kim

Napatingin ang dalaga sa kanyang nobyo.

"Oo nga pala, malapit na ang kaarawan mo." sabay sabi ni Erice

"Kelan ba yun?." muling tanong ng binata

"Sa martes na." maiksing sagot naman ng dalaga

Tumayo si Erice at kumuha ng isang basong tubig.

"Limang araw na lang pala, Anong plano mo nyan?." tanong ni Erice matapos inumin ang tubig na kanyang kinuha

Bumuntong hininga muna ang dalaga bago sagutin ang tanong ng binata.

"Parang ayaw kong magdaos ng aking kaarawan, dahil sa mga nangyayari ngayon." malungkot na sagot ng dalaga

"Pero yun ang pinaka-mahalagang araw sa buhay mo." sabi ni Paul Kim

"Huwag nalang, Baka sa mismong kaarawan ko magkaroon ng problema." napapailing na sabi nito

Agad na lumapit si Paul Kim sa kanyang nobya at bahagyang niyakap ito.

"Hindi pwede yun, Magdadaos pa din tayo kahit konting handaan lang." naka ngiting sabi ni Paul Kim

"Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala diyan." dagdag na sabi naman ni Leonard

Tumayo ang dalaga sabay sabing...

"Ayoko namang sasagutin nyo lahat ng ihahanda, Sandali lang.." sabay paalam nito

Nagtungo si Eunice sa kwarto niya. Naghintay lang ng kaunti ang mga binata. Hanggang sa nakabalik ni si Eunice.

"Tara samahan niyo muna ako sa Pawnshop." aya ni Eunice

Nagtaka naman ang mga kasamahan nito.

"Isasanla ko nalang muna itong mga alahas ko." dagdag sabi ng dalaga

Inilantad ng dalaga ang mga Silver at Gold necklace, rings, at bracelets..

"Tutubusin ko nalang ito ulit pagtapos na lahat ng problema." malungkot na sabi pa nito

Hindi na nagdalawang isip pa ang mga kaibigan niya at dumiretso na silang umalis.

Sa Pawnshop..

"Ma'am, 4 months lang po ang palugit namin dito, Kapag lumagpas po sa due date mareremata na po ang mga alahas niyo." paliwanag ng alahera

Pagka-abot ng pera kay Eunice ay bumalik na siya sa Van at dumiretso na silang umuwi.

Sa Rest House..

13th photosTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang