Chapter 10

300 11 1
                                    

Kinaumagahan...

Pasado alas nueve na nagising si Eunice. Dumiretso siya sa kusina ngunit walang sino man ang nandoon. Naupo siya sa lamesa at nag almusal muna. Maya maya rin lang at narinig niya ang tawanan ng kanyang mga kaibigan na nanggagaling sa likod bahay. Agad siyang nagtungo doon at nadatnan niyang naliligo sa pool ang mga kasama niya.

"Tara Eunice, Swimming tayo."

"Dali, Ang lamig ng tubig." aya sa kanya ni Hannah na basang basa ang magandang pangangatawan

"Sige kayo nalang muna, kagigising ko lang eh.' tanggi naman agad niya sa aya ng mga kaibigan niya

Naupo muna saglit ang dalaga. Makalipas ang ilang minuto ay napag pasyahan niyang sumabay na sa pagligo. Nagharutan ang lahat sa pool. Parang walang problemang hinaharap ang mga ito dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman nila sa mga oras na iyon. Ilang saglit pa at kumuha ng pagkain si Erice.

Lumabas si Erice ng bahay na may dalang iba't ibang klase ng pagkain, kasama niyang nagdala si Leonard.

"Oh, magsi-ahon muna kayo diyan. Kumain muna tayo.'

Umahon na silang lahat.

"Wow sisig, favorite ko yan." galak na sabi ni Jerald

"Dahan dahan lang sa pagkain baka mabulunan kayo niyan.

Kanya kanya silang kuha ng mga pagkain.

Patuloy sila sa pagkain hanggang sa may itanong si Erice sa mga kasamahan niya.

"Gusto niyo bang uminom?."

Lahat sila ay napa tingin sa binata.

"Oo ba, basta sagot mo huh." pabirong sabi ni Jerald

"Oo sagot ko, Pero mamayang gabi na tayo uminom, pagtapos ng mga gagawin ko." naka ngiting sabi ng binata

Matapos nilang kumain, Pinagpatuloy nila ang pagligo. Ilang saglit din ay nagpahinga na muna sila.

4:00 P.M..

Sa Garden..

Magkasama ang mga lalaki..

"Pare, mukang uulan pa yata?." sabi ni Leonard ng mapansing medyo madilim ang paligid

"Oo nga noh, masarap pa naman dito sa labas." sang ayon ni Paul Kim

"Walang problema, Edi gagawa tayo ng Cottage." suhestyon na sabi ni Erice

"Saan naman tayo kukuha ng mga gamit?." takang tanong naman ni Jerald

"Doon yata sa bodega, marami pang naka-imbak na kahoy at bubong doon." mabilis na sagot nito

Nagtungo na nga sila sa bodega. Matapos nilang kumuha ng mga gagamitin ay agad na silang nagtayo ng isang Cottage. Si Erice, Jearld at Paul Kim ang gumawa ng haligi at si Leonard naman ang gumawa sa bubungan.

"Pre, pahingi pa ng pako." sabi ni Leonard habang nasa itaas ito ng bubungan at nag-aayos

Lumabas sa loob ng Cottage si Erice at tinignan si Leonard.

"Wala ng pako dito, Bakit?. Anong nangyari?." tanong naman nito

Napakamot sa batok si Leonard sa narinig.

13th photosWhere stories live. Discover now