Chapter 8

374 9 0
                                    

Kinabukasan...

Magkasama sina Hannah at Maycee, Kakatapos lang ng photo shoot nila. Nagtungo ang dalawa sa kotse at pinaandar na pauwi. Habang nasa byahe...

"Bakit kaya biglang nawala si Cj sa party?." takang tanong ni Hannah

"Kaya nga eh, Hindi man lang nagpaalam. Ano kayang nangyari dun?." biglang napaisip si Maycee.

"Mabuti pa daanan nalang natin siya sa kanila."

Dumiretso ang dalawa patungo sa bahay ni Cj. Pagdating nila doon nadatnan nilang sarado ang bahay nito at mikhang walang tao. Aalis na sana ang dalawa ng makita ni Maycee na may sobre sa gate ng bahay.

'Hannah, May sulat oh." gulat na sabi niya

"Dali buksan mo na, Baka sulat yan ni Cj." utos ng kaibigan nito

Nagmamadaling binuksan ng dalawa ang nakitang sobre. Nagulat ang dalawa sa nabasa.

Guys,

Pasensya na kung hindi ako nakapag-paalam sa inyo. Sa mga oras na ito malamang naka-alis na ako ng bansa. Pasensya pero gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nagdadalawang isip ako sa lahat ng bagay. Kailangan ko munang magpakalayo para makapag-isip isip. Sorry sa lahat. Hindi ko sinasadya. Pasensya.

Cj

Tinawagan nila ang mga kaibigan nila at nagkita-kita sila park. Agad na sumakay ng sasakyan ang dalawa at nagtungo sa lugar na pinagusapan.

Samantala,..

Magkasama  naman sa Van sina Erice at Abby patungo sa park.

"Masyado bang malaki ang naging kasalanan ko kay Jonalyn?." tanong ng binata

"Sa tingin ko, Oo. Kasi nasaktan mo yung tao. Niloko mo siya. At kung totoo nga ang mga pinagsasabi ni Jonalyn. Mabuti pa siguro tigilan mo na ang paginom." sermon ni Abby sa kaibigan

"Ha? Bakit?."

"Dahil nanggaling na mismo sa bibig mo na kapag nalalasing ka, Hindi mo na alam ang mga ginagawa mo. Baka mapatay ka pa ng mga taong pinaglalaruan mo." dagdag pa ni Abby

Natulala ang binata sa sinabi ni Abby at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Ilang saglit pa at nagkita kita sila sa park.

"Guys wala na si Cj, Ito yung letter basahin niyio."

Binasa nilang lahat ang sulat na gawa ni Cj.

"Nagpunta na siya ng Amerika. Itinuloy niya nga ang plano nya. Pinipilit ko siyang pigilan pero ayaw niya. Gusto niya akong isama pero tumanggi ako." sabi ni Leonard

"Bakit ka naman daw niya gustong isama?." taka ni Eunice

"Dahil daw ayaw niya na pati ako madamay."

"Madamay?, Saan?."

Sa mga nangyayari daw, sa gulo."

'Ha?, Sana mali ang naiisip ko." biglang sabi ni Eunice

"Naiisip mo? Ano bang naiisip mo?." tanong ni Paul Kim

"Kung hindi si Kristel ang naghihiganti, Hindi kaya siya ang naghihiganti?." biglang taka ni Eunice

13th photosDove le storie prendono vita. Scoprilo ora