Samantala..
2:00 A.M na nakauwi si Mouriel sa condo niya. Lasing na lasing ito at pagewang gewang sa daan. Pagdating sa kwarto, agad niyang hinubad ang kanyang polo at pantalon saka nagtungo sa banyo para maghilamos. Ilang minuto lang ang lumipas at nahimasmasan na siya. Naisipan niyang magkape muna bago matulog.
Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Kumuha rin siya ng ilang saging na nakaayos sa mesa saka na siya nagtungo sa Terrace.
"WHOA!! Ang init!!! Nawala lasing ko dun ah?!". gulat na sabi ng binata matapos higupin ng bahagya ang kape.
Habang nagkakape ay bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Abby.
Abby: Hay Naku Mouriel, kung dadalawin niya man tayo, sure ako ikaw ang una nyang bibisitahin.
Matapos niyang maalala iyon ay bigla siyang may natanggap na text message. Binuksan niya ito at binasa ang nilalaman.
Message: You have received the first photo of my course.
Sa ibaba ng mensahe ay may larawan na nakalagay. Nakita niya doon ang larawan nilang magkakaibigan na kasama si Kristel. Ngunit napansin niya dito na burado ang mukha niya sa larawan.
"Last year pa ito huh? Ba't burado yung mukha ko dito? Sino ba ang sender nito?". nagtatakang sabi ng binata habang pinagmamasdan ang larawan.
Tinignan niya kung sino ang sender, at laking gulat niya ng mabasa na ang sender ay walang iba kundi si Kristel..
"What ? ". gulat niya muli sabay tawa ng malakas.
"hahahaha. Lakas naman ng tama ng nagpasa nito, Paano makakapagtext ang matagal ng patay?.
Binura niya ang larawan, itinapon niya ang mga balat ng saging kung saan-saan. Naubos niya rin ang iniinum na kape. Dumiretso na siya sa kwarto at natulog.
Kinaumagahan...
Maagang nagpunta sina Maycee at Hannah sa kanilang manager.
"Good Morning Sir". bati nilang dalawa ng masalubong ang kanilang manager.
"Good Morning din sa inyo. Oh bakit kayong dalawa lang? Nasaan si Mouriel?". tanong nito na bahagya pang inilibot ang paningin.
"Hay naku Sir, Baka tulog pa yun. Ang dami kasing nainom nun kagabi eh". biglang sagot ni Hannah habang nakatingin sa dalang salamin.
"Hay naku, Hindi pwede sakin yan! May photo shoot kayong tatlo ngayon, tapos aabsent siya! May flight pa kami sa London mamaya, tawagan nyo nga Kairita !". bwiset na sabi ng kanilang manager.
Agad naman ni tinawagan ni Maycee ang kaibigan. Matapos nilang mag usap sa telepono ay naligo na agad ang binata. Sumakay na sya sa kanyang sasakyan at iniwan na lamang na makalat ang kanyang condo.
SA STUDIO....
"Mag ayos na kayo at maya maya lang ay magsisimula na tayo". utos ng kanilang manager.
"Bakit parang ang tamlay tamlay mo?". kunot noong tanong ni Hannah kay Mouriel.
"Hindi ko nga alam eh. Basta pag gising ko kanina matamlay na ako". sabi ng binata habang sapo ang kanyang ulo.
YOU ARE READING
13th photos
HorrorLabing pitong kabataan ngunit Labing tatlong Larawan lamang... Sino-sino ang mawawala? Sino-sino ang matitira? Malulutasan pa ba nila ang Sumpang kailan man ay hindi na matatakasan?