Ilang araw matapos ang pagkamatay ni Leonard...
"Hindi ko lubos maisip na kayang idamay ni Cj ang lalaking mahal niya." maluha luhang sabi ni Eunice sa mga kasama
"Parehas lang tayo.. Parang dati lang ang sweet nila pero nagawa pa din niyang idamay si Leonard." sabat naman ni Paul Kim
"Nababaliw na talaga siya. Wala akong nakikitang dahilan para gawan tayo ng masama ni Cj." galit na nasabi ni Erice
Panandaliang natahimik ang tatlo ...
"Sa ngayon hindi pa natin alam kung anong motibo niya, Pero sigurado akong malalaman din natin yan." seryosong sabi ni Eunice
"Ang mabuti pa, umuwi nalang muna tayo." aya ni Erice sa mga kasama
"Umuwi??.. Diba may pupuntahan ka pa?." tanong ni Paul Kim sa binata
"Oo nga pala, nakalimutan ko. Mabuti at pinaalala mo. Mauna na ako, May lakad pa pala ako." paalam ni Erice sa dalawang kasama
Lumakad palayo si Erice..
Samantalang naiwan naman doon sina Paul Kim at Eunice.
"Sabay na tayo umuwi?." tanong ng binata sa kasama
"Mauna kana muna, dadaan pa ako sa bahay." sabi ni Eunice
"Gusto mo bang samahan kita?, Wala naman akong gagawin sa bahay eh."
"Huwag na, wag kang mag-alala kaya ko na ito mag-isa."
"Sigurado ka ba?."
"Oo. Sige na, aalis na ako."
Tuluyan na ngang umalis si Eunice. Sumakay na din sa kotse ang binata at dumiretso na sa Rest House. Dahil walang magawa ang binata nilibang nalang niya ang kanyang sarili sa paglilinis ng buong bahay. Buong maghapon niyang nilibot ang resthouse at nilinis ito.
Samantala...
Nakatira naman si Cj sa isang tagong lugar. Naka upo siya sa kama at mugto ang luha sa paligid ng mata.
"Pasensya na Leonard, hindi ko intensyon na idamay ka. Kung sumama ka lang sana sa akin." mangiyak ngiyak na sabi niya sa kanyang sarili
Hinawakan niya ang larawan ni Leonard at umiyak. Natigil ang iyak niya ng may tumawag sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag.
*(on the phone)*
"Wala sa usapan natin na idadamay mo si Leonard." galit na sabi ni Cj sa taong nasa kabilang linya
"Hayaan mo na iyon, ang mahalaga nakaganti kana sa kanila at nakaganti na din ako."
"Itigil na natin ito." sabi ni Cj
"Hindi pa ako tapos sa kanila, uubusin natin sila." galit na sabi ng nasa kabilang linya
"Pero hindi ko na kaya, nakokonsensya na ako."
"Huwag mong sabihing tatalikuran mo na ako?."
"Oo, dahilo hindi ko na kaya." diterminadong sabi ni Cj
"Pwes, mag-isa ko nalang tatapusin ito. At ito na siguro ang tamang araw para makilala nila ako, Paalam." huling nasabi ng nasa kabilang linya
VOCÊ ESTÁ LENDO
13th photos
TerrorLabing pitong kabataan ngunit Labing tatlong Larawan lamang... Sino-sino ang mawawala? Sino-sino ang matitira? Malulutasan pa ba nila ang Sumpang kailan man ay hindi na matatakasan?
