Chapter 3

634 18 4
                                    

Matapos nilang magtapos sa kolehiyo

Pansamantalang naghiwa-hiwalay ang buong grupo. Si Eunice at Myra ay abala sa vacation trip ng pamilya ni Myra. Samantalang umuwi naman sa States si Cj, sinama niya doon ang dalawa nyang kaibigan na sina Reins at Gervin.

Si Hannah at Maycee naman ay pansamantalang kinuhang modelo ng isang sikat na Fashion Designer. Abala rin sa hongkong trip sina April, Prolet at Leonard. Isinaman sila roon ng isang dating kaibigan ni Leonard.

Si Jerald naman ay pinag patuloy muna ang pagsasayaw. Sa katunayan naimbitahan siya sa isang TV show at nag-guest siya roon. Pinakita niya ang galing niya sa pagsasayaw. Si Abby at Diosa naman ay ipinag patuloy ang pagkanta, nagkaroon sila ng mga Cd's at may duet song pa sila.

Ibinigay naman ng mga magulang ni Jonalyn ang Jewelry Shop sa kanya. Naging sikat ang shop niya dahil sa mga magagandang disenyo nito. Nakuha ring modelo si Mouriel at nag-eendorse ito ng mga underwear. Nagtayo naman ng business ang magkaibigan na sina Erice at Paul Kim, nagpatayo sila ng isang Fitness Gym.

Matagal-tagal silang hindi nagkita, dahil sa silang lahat ay abala.

Abala ang iba sa pamilya at ang iba naman ay abala sa Career. Ngunit kahit malayo sila sa isa't isa may mga pagkakataon pa rin na nagtatawagan sila o kaya via text or via email.

Hindi nila maiwasan na balikan ang nakaraan tuwing nagkakausap-usap sila. May mga panahon pa na nagkakaiyakan ang iba sa kanila dahil sa sobrang tagal na pagkakalayo nila sa mga kaibigang tunay na maasahan, Kahit anong problema man ang dumating ay tuloy pa din ang agapay at tulong ng bawat miyembro ng grupo.

Magkakapatid na ang turingan nila sa isat'isa, dahil na siguro sa tagal ng kanilang mga pinagsamahan. Kahit minsan ay nagkakaroon ng alitan ay agad naman itong natatapos dahil hindi nila kayang tiisin ang isa't isa. 

Ngunit sa panibagong taon na magdadaan, may magbabago ba sa kanilang samahan????

Year 2013

Pagkalipas ng isang taon, nagpasya sila na magdaos ng isang Reunion..

Nagkita-kita sila sa isang Mall,.

Tulad padin ng dati ay masaya parin silang nagkamustahan sa isat isa. Tila mga bata na iniwan ng magulang at ngayon lang nagkita. Napag pasyahan nila na sa bahay na lamang ni Cj idiwang ang napag planuhan na reunion.

Nilibot nila ang Mall, at maya maya rin lamang ay kanya kanya ng umuwi upang maghanda para sa selebrasyon mamayang gabi.

"Guys ! Wag nyo kalimutan ah, 8:00 pm !." sigaw ni Eunice habang naglalakad palayo .

Naghiwa-hiwalay na sila sa Mall,

Samantala, Magkasama naman sina Hannah, Maycee at ang makisig nilang kaibigan na si Mouriel.

"Sir , magpapa-alam lang sana kami ." agad salubong ni Mouriel

"Aber! Saan naman ang punta nyo ha?." nakataray na tanong sa kanila.

"May reunion po kasi kami mamaya eh, Ngayon lang ulit kami magsasama sama." biglaang sagot ni Hannah habang patuloy sa paglalagay ng lipstick sa labi.

"Hay naku, siguraduhin nyo lang na hindi masisira ang awra nyo dyan sa pupuntahan nyo." nakairapn na sabi nito sa kanila.

"Dont worry Sir, We're always ready." nakangiting sagot naman ni Maycee

13th photosWo Geschichten leben. Entdecke jetzt