DESSERT CHUCKLED when her son smugly showed off his fashion and posed in front of the full-length mirror that was on the wall.
"Huh! Ang pogi ko, My! I look like a mini Uncle Rage and Uncle Kronack in a business suit," tuwang-tuwang saad nito.
"You really want to be like them when you grow up, V?" she asked.
Tumango ito. "They are rich and they have beautiful girlfriends! Who wouldn't want to be like them, My?" her son answered while looking at her.
"Ang ganda mo, My. Huwag kang magpapaligaw doon, huh? Siguradong madaming katulad nina Uncle Rage at Uncle Kronack sa manor ng magulang nila."
Dessert playfully rolled her eyes.
"What if I do just that? What will you do? Hmm?"
Tumalim ang mata nito. "I'm going to beat them up!"
"Ayaw mo n'on, V? Magkaka-daddy ka ng gwapo at mayaman," biro niya.
Umirap lang ito. "Yayaman ako, My, at ayaw ko ng stepdad. Hmp! Ayoko ng katulad sa ibang kalaro ko sa Sundust, hindi sila sobrang mahal ng stepfather nila."
Nakagat ni Dessert ang pang-ibabang labi habang nangingiti.
Buti na lang wala sa isipan niya ang maghanap ng bagong pag-ibig.
Resting her hand on her son's shoulder, Dessert smiled while they were still both in front of the mirror and said, "Worry not, V. Mymy has no plans of getting a man. You're enough for now."
Nagsalubong ang kilay nito at nagtaas ng mukha.
"For now? You're confusing, My. You have no plan but you do have a plan in the future?"
Mahiwaga lang na ngumiti si Dessert at mahinang tinapik ang balikat nito saka kinuha ang backpack niya na lagi niyang dala 'pag kasama si Vegas.
"Halika ka na, anak," yaya niya rito.
Magkahawak ang kamay nilang lumabas ng silid at ng hotel. Ngayon ang araw ng proposal ni Kronack. Sana naman maging maayos ang lahat. Ang saya niya rin para sa kaibigan niyang si Kalisz. Ang laki na ng pinagbago nito mula nang makilala si Kronack.
Pagkalabas ng hotel ay agad silang sumakay ng kotse at gamit ang GPS na naka-install sa sasakyan ay binaybay ni Dessert ang daan papunta sa manor ng magulang nina Kronack at Rage.
"Mymy..." tawag sa kanya ni Vegas nang malagpasan na nila ang Crown's main. Nasa kalsada na sila na nasa gitna ng masukal na kagubatan.
"Ano 'yon, V?"
"Kailan mo ako ipapakilala sa tatay ko?" he asked.
Gumalaw lang ang mata niya para sandaling tingnan ang anak bago walang ingay na bumuntong-hininga.
"Hindi pa sa ngayon, V. Siguro 'pag nakita ko ulit siya, kakausapin ko siya. Medyo mahaba ang pag-uusapan namin, eh. Hindi naman kasi niya alam na nagkaanak siya sa akin."
"Bakit kayo naghiwalay, My? Niloko ka ba niya?"
Sa dulo ng mata niya ay kita ni Dessert na nakatingin si Vegas sa kanya kaya't sinubukan niya na panatilihing masaya ang bukas ng mukha niya at hindi kabakasan ng lungkot o anumang pait.
"Uhm... Hindi, V. Ano, marami lang kaming hindi napapagkasunduang bagay," Dessert chuckled and scratched her brow.
She really disliked lying to Vegas but she didn't want to tell him the truth which would hurt him for sure.
"Ano, anak, kasi yung naging relasyon namin ni Pyr, whirlwind romance. Alam mo 'yon?"
Nilingon niya ang anak ng ilang sandali at nakita niya ang pag-iling nito.
BINABASA MO ANG
Pyrmont Crown
Ficción GeneralMeeting again after a nasty breakup, Pyrmont Crown is determined to get even with his ex-girlfriend, Dessert Arenas, no matter what it takes. But with the numerous connections between them, can Dessert and Pyr finally resolve their misunderstandings...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte
