"HINDI, KAYA ko na," tanggi ni Dessert nang tangkain ni Pyrmont na kunin ang bagahe niya.
Kadarating lang nila sa tapat ng bahay nito na hindi maipagkakaila ang yaman na meron ito.
Dalawang araw matapos niyang makuha ang mga dokumento mula sa binata ay pinirmahan niya iyon. Saka agad siyang umuwi ng Sundust kasama si Vegas para makausap ang kanyang ama nang personal at makapagpaalam na rin.
Mahigit dalawang linggo rin sila roon ng anak niya dahil hindi sila agad nasundo ni Pyr dahil nagkaproblema ang panganay sa magkakapatid.
Sinubukan pa nitong makilala ang pamilya niya na mariin niyang hinindian kaya't sa hotel na pinapagawa ng kapatid nitong si Dusk sila nagkita.
There's no need for him to meet her family. Sapat na ang alam ng ama niya kung sino ito base sa kuwento niya at sa kuwento ni Vegas.
Now, here they were. Standing before a huge mansion, slapping her on what she lacks and how rich is the father of her son.
Kubling napabuntong-hininga si Dessert.
Nahihirapan siyang tanggapin sa loob niya na muli siyang titira sa iisang bahay kasama ang lalaki na minsan ay pinabayaan siya kung kailan kailangan na kailangan niya noon ng masasandalan. Na muli ay gagastos na naman ito para sa kanya.
But she's not letting him pay anything for her. She'd buy her own food and pay him her monthly rent like how much it would cost her if she was to live in an apartment in the Crown's main.
Never again would he let him spend a penny for her. It's not only about pride but also not wanting to be dependent again on anyone and get comfortable, then later or sooner, she'd be shunned again and end up struggling to stay on her feet because she, yet again, became too dependent on him.
"Dad, Mymy! Come!" sigaw ni Vegas na nasa harapan na ng malaking saradong pintuan.
"We're coming!" sagot ni Pyr bago bumuntong-hininga at binalingan siya.
Akala ni Dessert ay may sasabihin ito pero basta na lang nito inagaw ang hawak niya travelling bag.
She couldn't even shout at him as he took a long stride towards the door for she didn't want Vegas to see that there was a sour relationship between her and Pyr.
Nagawa niya lang ay ang samaan ng tingin ang likod nito.
Ang tigas pa rin talaga ng ulo ng isang 'to. Hindi marunong umintindi ng hindi at kaya ko na.
"You ready, son?" he asked, smiling.
"Yup! I've been looking forward to this day that I'll finally see your house," anang anak niya.
Hinawakan ni Vegas ang kamay niya nang tumabi siya sa gilid nito. "How about you, My?" tanong nito.
Kung hindi lang anak niya ang nagtatanong ay sasabihin niya sanang 'Hindi at wala akong interes kung pwede lang ni pag-apak sa bakuran ng bahay ng ama mo ay ayaw ko.'
But of course, that could only remain in her thoughts.
"Okay lang, V." Pilit na ngiti na sa tugon niya.
"Well then, welcome to our house," ani Pyr saka inilapat sa isang itim na screen na nasa pinto ang kamay nito.
Lihim siyang umirap.
Bahay mo, gago! 'Pag yumaman ako, magpapagawa ako ng sarili ko.
"WELCOME HOME, VEGAS!!!"
Napaatras si Dessert dahil sa malakas na sorpresang pagbati ng mga ilang kaibigan at kapatid ni Pyrmont na nasa loob pagkabukas nito ng pinto.
BINABASA MO ANG
Pyrmont Crown
General FictionMeeting again after a nasty breakup, Pyrmont Crown is determined to get even with his ex-girlfriend, Dessert Arenas, no matter what it takes. But with the numerous connections between them, can Dessert and Pyr finally resolve their misunderstandings...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte
