Chapter 19

37.5K 1K 440
                                        

MATAPOS ANG isang araw na pananatili sa Sundust ay nagtungo naman si Dessert ng Manila.

Lunes na iyon. Kinakabahan siya at nagagalak. Mahigit isang buwan na mula ng makita niya ang kaibigan niya at ang isa pang kukumpleto sa puso niya.

Pagkatapat niya sa isang gusali ay bumunot siya ng malalim na hininga habang nakatanaw sa nakasulat sa taas ng entrance ng hospital.

Crown Hospital
Mental Health Rehabilitation and Recovery Center

Taking a slow step towards the door, Dessert mentally prayed that her friend is fine and that she’d be able to talk to her.

“Good morning, ma’am. Ano po kailangan nila?”

Nginitian ni Dessert ang babaeng receptionist. “Si Sarah Mae cabin A467 sana, pwede ko bang mabisita at makausap?”

“Sandali lang ma’am, check ko lang if pwede ang visitor sa kanya.”

Tumango siya saka igunala ni Dessert ang tingin sa bulwagan at pasilyo habang busy pa ang receptionist. The facility is quiet. Walang ibang tao sa pasilyo na iyon maliban sa kanya at sa dalawang receptionist.

“Pwede mo po siya makausap ma’am. Cabin A467, 3rd floor,” nakangiting wika sa kanya ng babae.

“Salamat, uhm” Dessert hesitantly asks. “Pwede ko bang malaman ano estado niya?”

“Ano po pangalan niyo ma’am? Tignan ko po kung isa kayo sa mga taong pwedeng makaalam sa record ng pasyente.”

“Dessert— Dessert Arenas.”

Kinuha ni Dessert ang driver's license niya bilang patunay at ibinigay iyon sa receptionist.

“Nasa list po kayo,” anang babae matapos ang ilang sandali. “Stable na po siya at in one or two weeks pwede na po siyang makalabas pero may gamot lang siyang kailangan i-mentain ng ilang buwan. At advice dito ay dapat pagnakalabas siya ay kung maari maging tahimik at masaya lang ang paligid niya.”

Nakahinga ng maluwag si Dessert sa narinig saka marahang tumango.

Tinungo niya na ang elevator at pagdating niya sa palapag kung nasaan ang ang silid ng kaibigan ay tahimik parin. Wala siyang makitang tao.

Kumatok siya pagkatapat ng cabin A467. Saglit lang at bumukas iyon. Bumulaga ang kaibigan niyang kababakasan parin ng lungkot ang mga mata.

“Kumusta ka, Samae?”

Tipid itong ngumiti bago niluwagan ang bukas ng pinto.

“Ayos lang. Pasok ka.”

Pagkapasok ay inilibot niya ang tingin a buong silid. Maayos iyon at malaki. Walang masyadong kagamitan maliban sa kama, mesa, aparador at upuan at isang sofa. Walang nagbago mula nung huli niyang bisita.

“Upo ka,” anito saka pabagsak na naupo sa sofa.

Tumabi siya dito at ilang sandali silang tahimik habang nakatingin sa bintanang may rehas.

“Kumusta si Vegas?” mahina nitong usisa pagkalipas ng ilang sandali.

“Maayos naman. Naikwento kita minsan sa kanya.” Malungkot na wika niya. “Excited siyang makita at maikilala ka pero syemore depende iyon sayo.” Dessert heaved a deep sigh. “Gustong-gusto ko na maging parte ka ng buhay niya, Samae. Umaasa ako na pag nakapiling mo rin siya maibsan ang lungkot mo.”

Yumuko ito at tumingin sa mga kamay nito.

“Hindi ko pa siya kayang makita, Dess… alam ko pagnakita ko siya sobra akong masasaktan kasi maalala ko kung ano ang nawala sa akin. Pero siguro, kailangan kong pilitin ang sarili ko. Baka… baka kung sakali mayakap ko siya— makasama, ay matanggap ko na at maibsan ang sakit sa dibdib ko.”

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon