"MY, THANK you for today."
Hinaplos ni Dessert ang pisngi ng anak niya at binigyan ito ng ngiti. Bakas ang saya sa mukha nito na nakasama nito si Pyr kahit ilang oras lang ang binata sa silid nila.
"You don't have to, anak. Masaya rin naman ako na makita kang masaya na kasama ang dad mo," saad niya.
Ngumiti ito bago nagtanong. "My, why do you keep your distance when I'm with Dad?"
Napipilan si Dessert. Mahilig talagang mag-obserba si Vegas.
"Gusto ko lang kayo bigyan ng oras para sa isa't isa, V. Ayaw kong mahati ang atensyon mo sa aming dalawa kaya gano'n," sagot niya na hindi sinasabi ang totoo.
Kung tapatan lang ay hindi niya alam kung paano pakitunguhan ang ama nito. Mas kalmado rin siya kung malayo siya sa binata.
Hindi naman maikakaila sa sarili niya na mahal niya pa rin ito at malakas pa rin ang epekto nito sa kanya. Pero hanggang doon na lang iyon. Wala siyang balak na mapalapit pa sa binata at muling magpakalunod sa pagmamahal.
Dessert sighed and covered herself and Vegas.
"Let's sleep, V. May importante pang gagawin si Mymy bukas."
"Okay, good night, My. I love you."
"I love you too, anak."
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na siya at binabasa ang kontrata niya bilang nurse sa Crown's Hospital para sa mga manganganak at baby. Matapos ay gumawa naman siya ng resignation letter para sa iiwan niyang trabaho sa Sundust.
Tamang-tama pagpatak ng alas-siete ay siya namang pagtunog ng doorbell ng silid nila ni Vegas.
Tinungo niya iyon at hindi na siya nabigla na si Pyr ang nasa labas.
Dessert couldn't help but mentally get wowed at how good-looking the man was early in the morning.
Slacks, white long-sleeved polo, and a coat gave him the look that women and men alike would not miss to take a second look at him. He sure could take any women of his liking and fool them.
"Good morning," bati nito at binigyan siya ng ngiti na kinunutan niya lang ng noo.
That smile...
So...
...
...
Annoying.
Niluwagan ni Dessert ang bukas ng pintuan.
"Pasok ka. At walang maganda sa umaga kung mukha mo ang bubungad sa akin pagbukas ko ng pinto," she flat out said, turning around to go back to the sitting room.
"There's nothing wrong with seeing me first thing in the morning. Come on, don't be too sour around me. We will be meeting each other more often than you think," anito sa mababang boses habang nakasunod sa kanya.
Bumalik si Dessert sa kinauupuan niya kanina.
Ito naman ay inilapag ang dalang paper bag matapos tingnan si Vegas saka hinubad ang coat na suot bago naupo sa tabi niya.
Mabilis na umusog si Dessert at sinamaan ito ng tingin.
"There are empty seats. Why occupy the space beside me?" she asked, leering.
"Because it's vacant," he lazily replied, resting his arm on the sofa and with legs wide open.
Dessert took a deep breath to calm her vexed nerves at the same time the annoying turbulent beating of her heart from being so close to this man.
BINABASA MO ANG
Pyrmont Crown
General FictionMeeting again after a nasty breakup, Pyrmont Crown is determined to get even with his ex-girlfriend, Dessert Arenas, no matter what it takes. But with the numerous connections between them, can Dessert and Pyr finally resolve their misunderstandings...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte
