Chapter 22

31.8K 1K 160
                                    

"WOW, TARAY ng tagahatid at tagasundo mo." Pabiro siyang binangga ni Pumi pagkalabas nila ng hospital.

Naroon na si Pyr sa may parking lot na nasa harapan lang ng hospital na pinagtatrabahuan niya.

As typical for the man, Pyr is again looking good and pleasant to the eyes. Nasa cellphone nito ang atensyon kaya wala itong kaalam-alam sa atensyon ng mga taong nakatingin dito. O kung nararamdaman man nito ay balewala na iyon sa binata.

"Ikaw pwede ka rin naman magkaroon ng ganyang tagahatid at tagasundo, payagan mo lang manligaw iyong isang kaibigan nila," tudyo niya dito.

Bigla itong napa-sign of the cross.

"Dess, si Cyclone?!" Umiling-iling ito. "Hindi! Mababaliw ako sa isang iyon paghinayaan kong ligawan ako. Hindi mo ba napansin, sinto-sinto iyon," bulong nito para walang makarinig.

Dessert chuckle. "Grabe ka naman kay Cyc. Mabait naman daw iyon sabi ni Auri, makulit lang."

Todo iling ang kaibigan niya. "Hindi. Bahala ng maging single huwag lang si Cyc—"

"Talagang magiging single ka forever kasi wala naman ibang nanliligaw sayo maliban kay Cyclone."

"Gago nga kasi iyon!" Gigil na wika nito. "Takutin ba naman lahat ng magtatangka malamang! Kaya nga sinto-sinto tawag ko don! Grabe makabakod 'di ko naman jowa!" Umirap ito bago nagpaalam at nagmartsa papunta sa sasakyan nito.

Dessert just smiled. Natatawa talaga siya kay Pumi kung gaano ito ka-allergic kay Cyclone.

"Hon, you smiling is the best thing to see to lessen my exhaustion from all day long stressful work," ani Pyr na lumapit sa kanya.

Hinalikan siya nito sa pisngi bago kinuha ang dala niyang paper bag na naglalaman ng pinaglagyan ng pagkain na pinahatid nito kaninang lunch.

"Kaya ko na Pyr." Pigil niya dito nang kukunin din sana nito ang shoulder bag niya.

"Okay," anito at inakbayan siya at sabay nilang tinungo ang kotse nito. "How's your day?"

"Maayos naman, hindi masyadong stress." Tinignan niya ito. "Tuloy ba tayo mamaya?"

"Depends," he smiled at her. "If you're tired, I can ask my friends to give my gift to Equinox and we will simply stay at home and rest," anito na tinutukoy ang kaibigan nito na siyang may kaarawan. "Your rest is important for me than attending the party," saad nito na ikinangiti ni Dessert.

"Hindi naman ako pagod, kaya lang paano si Vegas?"

Tumigil sila sa tabi ng sasakyan nito at pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Mom and Dad will take care of him," imporma nito. "After the party, we will go to manor and spend the night there."

"Ayos lang ba sa magulang mo?"

Nang tumango ito ay ngumiti siya kahit na hindi siya komportable sa isiping matutulog siya sa bahay ng magulang ni Pyr. Kahit na nakausap niya na ang ina nito ay naroon pa rin ang hiya at ilang.

Sumakay na siya ng sasakyan at nagkabit ng seat belt.

Umikot naman si Pyr at nang makasakay ito ay may inabot ito mula sa back seat.

Natawa siya ng binigyan siya nito ng isang mini bucket ng donuts munchkins at tatlong tangkay ng pink rose.

"Pyr baka naman manaba na ako at magkadiabetes sa kabibigay mo ng matatamis na pagkain," biro niya. "Pero salamat."

Mula nang sinabi niyang pumapayag na siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang relasyon nila ay araw-araw siyang binibigyan nito ng bulaklak at dessert o kung anong matatamis. Panliligaw daw iyon sabi ni google. Sira talaga.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon