BINIGAY NI Dessert ang ice cream na binili sa pamangkin niyang si Morri na anak ni Kalisz at Kronack.
"Thanks, tita Dessert," anito at pilit na ngumiti.
Kumunot ang noo ni Dessert dahil sa bakas ng lungkot na nasa mukha ni Morri.
"Ayos ka lang Morri? May nangyari ba?" she asked.
Morri pouted and shook her head but Dessert could see the girl is definitely upset or discouraged.
Kinuha niya ang order niyang ice cream bago niya niyaya si Morri na maglakad na pauwi.
"Ano bang iniisip mo Morri?" Dessert pressed. "You can tell me if something is bothering you. Did somebody upset you back in the marketplace?"
Kagagaling lang kasi nila sa mga tindahan na nagtitinda ng mga souvenir ng Sundust para bumili ng mga pwede niyang ipasalubong pagbalik nila sa Crown mamayang hapon.
Umiling ito pero agad din nagsabi ng totoo.
"Nakita ko lang yung best friend nila kuya V at Rou. I said hi but he ignored me. It makes me sad," pag-aamin nito. "But when other girls greeted him he smiled and at least nodded. That's just... Unfair."
Nangiti si Dessert at hinaplos ang likod ng pamangkin niya.
"That's okay, Morri. Don't be sad. A one guy ignoring you is nothing to the hundreds of guy that has an eye on you." Dessert tried to make her happy.
"But, tita Dess, aanhin ko ang madaming lalaki na may gusto sa akin kung ang tanging gusto ko hindi ako gusto?" Nagbuga ito ng hangin saka napatigil sa paglalakad habang nakatingin sa nakahilerang mga bangka sa baybayin.
Nakita ni Dessert ang isang binata na kaedaran nila Rou at Vegas na nag-aayos ng net habang nakaupo sa isang bangka. Ito ang tanging binata na parehas kaibigan ni Vegas at Rouen. Bestfriend pa ng dalawa.
Dessert looked back at her niece who is eyeing the young man with sad eyes.
"Siya ba?" tanong niya.
Mori sighed, nodding her head, resuming to walking again and looking at their path just as the man gazed at their spot.
Nakita ni Dessert ang paghanga ng binata sa pamangkin niya pero nang makita nitong nakatingin siya dito ay agad itong nagbawi ng tingin.
Siya naman ay napabuntong-hininga.
"Bata ka pa Morri. Marami ka pang makikilala pero kung sakali man na hindi mabura ang anomang pagtingin mo sa kanya ay mukhang kakailanganin mong gumawa ng paraan." Nangingiti niyang saad.
"Why me?" Reklamo nito.
"Kasi malabong ligawan ka ng binatang iyan. Seryoso sa buhay ang isang iyan dahil siya na ang tumatayong ama sa kanilang bahay matapos hindi makauwi galing laot ang ama niya. Saka mahihiya iyang ligawan ka. Morri, you are a Crown," paalala niya.
"But Mommy and Daddy will not mind if I take a fisherman for a boyfriend. If I fall in love for somebody opposite to the life I have--"
"But he will, Morri. The people who knew him and you-- who knew our family. He will be surely judged and looked down on because of his status. Hindi rin siya nakatapos ng pag-aaral. Maraming dahilan kung bakit hindi ka niya papansinin Morri. Kilala ko ang binatang iyan. Iba siya sa lahat ng mga binatang nagpapapansin sayo. Ang pamilya natin at mga kaibigan ay walang pakialam basta ba mahalin at alagaan ka lang niya. Pero para sa binata iba." Mahaba niyang saad.
"Should I court him then?" Nakataas ang isang gilid ng labi nito.
Dessert shook her head, turning to the left to take the wooden path to the house that Vegas has built for his grandparents using the card that Pyrmont has given her so many years back.
BINABASA MO ANG
Pyrmont Crown
General FictionMen Of The Crown 6 | R-18 • Mature | COMPLETED Pyrmont Crown was twenty-five when he met the woman he was sure was the one for him while in the middle of a case. She was a runaway from a family that was choking her with high expectations that she wa...