Chapter 8

1.1K 32 0
                                    


Charlie

Habang naglalakad ako patungo sa apartment ay inihahanda ko na ang sarili ko sa pagsalubong sakin ni Ram. Alam ko naman na bubuwisitin nya nanaman ako.

Pagpihit ko pa lang ng seradura, tumambad na sakin ang malakas na tunog ng telebisyon. Pagpasok ko ay nakita kong nanunuod ng movie ang aming 'bisita'. Feel at home ito na nakapatong pa ang mga paa sa ibabaw ng center table at kumakain ng popcorn.

Dinampot ko ang remote ng TV at hininaan ang volume nito.

"Hey, babe, andyan ka na pala."

I tried to ignore his use of an endearment. "Are you deaf?"

"No."

"Ang lakas ng TV mo, makakabulabog ka ng kapitbahay." mahinahong sabi ko.

"Soundproof kaya tong unit na 'to." he turned to me. Nakapaskil na agad ang isang ngisi sa mga labi nya.

Damn, tama sya, soundproof nga pala ang mga unit dito!

"You're just finding an excuse to talk to me." nakalingon parin sya sakin habang nakapatong ang kanan nyang braso sa likod ng couch.

"Are you serious?" napailing na lang ako. Feelingero!

Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ko. Mabuti na lang at may kanya kanya kameng banyo sa loob ng mga silid namin. I badly needed a shower. At hindi ko ata kayang makishare ng banyo sa haliparot na yun.

Matapos 'kong maligo ay lumabas na ko ng shower. Still naked. Sanay kase ako ng ganito. Wag nyong masamain ang attitude ko, virgin pa ko although may experiences na rin naman ako. Komportable lang talaga ko sa katawan ko kaya ganito ako.

I searched my drawer for my favorite undies. I feel like wearing them tonight.

Pero hindi ko makita. Nahalungkat ko na ang buong drawer ko pero wala talaga dun ang kulay blue na cotton underwear ko.

"Damn!" marahas kong sinara ang drawer ko kaya ng cause yun ng ingay. Pasensya na short tempered talaga ko kaya madalas ko din magulpi si Jareth pag naiinis ako sa kanya.

Katulad na lang ngayon, Jareth has this annoying habit of hiding my favorite undies whenever he does the laundry. Paraan lang nya yun para inisin ako. Ewan ko ba, teka? Baka mamaya sinusuot nya pala yun ha?

"Son of a bitch!" gigil na usal ko.

Maya maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. "Is there something wrong?" si Ram.

I lay down on my bed naked. "Nothing. I just couldnt find my favorite undies." bigla kong naitutop ang bibig ko. Shit! Bakit ko ba nasabi yun? Feeling ko nanaman bestfriend ko yun kausap ko eh. Nakalimutan ko na si Ram nga pala ang kasama ko ngayon, na lahat na lang ng sabihin ko, misconstrued sa ibang mga bagay. Sa mga bastos na bagay. Hindi ko alam kung alam ba ng lalaking ito ang salitang wholesome. Mukhang wala yun sa bokabularyo nya. Lahat na lang, para sa kanya, may malisya.

Oh baka naman ako talaga yung malisyoso? Hindi kaya?

"Oh." yun lang ang narinig ko kay Ram pero alam kong nakangisi nanaman sya.

Kaasar!

Matapos ang halos isang oras na deliberasyon, napagpasyahan ko nang lumabas ng kwarto kaya naghanap ako ng masusuot. Nagtshirt lang ako, yun medyo loose, at pajama. Ayokong bigyan ng motibo si Ram para bastusin ako.

Paglabas ko ay nanunuod parin sya ng tv pero sa pantaong volume na.

"Did you find it?" he called to me.

Wicked Ways 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon