Chapter 3

1.6K 54 1
                                    

Chapter 3

Ram

"Sandali, break muna." bumaba ako mula sa aking 2006 Nissan 350 z race car, yeah you heard it right. Katulad nung kotse ni Drift King sa Fast and Furious Tokyo drift.

Obviously, nasa practice ako ngayon. May nalalapit kase kameng competition sa Ohio kaya naman puspusan nanaman ang pagmamaneho. Pero alam ko namang sisiw lang yun, kahit nakapikit ako, kayang kaya ko ang circuit sa Ohio.

Pagmamaneho na ang buhay ko. Bata pa lang ako, eto na talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Kaya kung yung ibang mga kaedad ko noon, de remote na kotse kotsehan ang nilalaro, ako, tunay na kotse na agad ang kinakalikot. At the age of 10, marunong na kong magmaneho, malaking bulas ako kaya abot ko na yung lapag ng kotse noon.

 

"Good job, man!"

Nakipag apir sakin si Lee, ang aking trusted mechanic. Nagkanda samid samid naman ako sa sinabi nya. Lintek kase lahat na lang ng marinig ko na may salitang job, blow o bj, naaalala ko yung insidente sa bar ni RD.

Kakasuya lang.

Limpak limpak na pangaasar kase ang inabot ko sa barkada kaya hindi ko magawang kalimutan yun pangyayareng yun.

Langya kase yun babaeng yun. Kahit sya hindi ko makalimutan, i mean lalo na sya. Napapanaginipan ko pa nga yung maganda nyang mukha eh habang paulit ulit akong binubuhusan ng inuming blow job. Kingenang yan.

Malala na ko. Alam ko yun, pero wala akong magagawa eh. Maybe i should just bed her then get this over with. Baka kulang lang ako sa sex.

Ang problema, ultimo anino nya, hindi ko na muling nakita.

Nagtuloy ako sa CR matapos kong mapaalam saglit sa kanila. Alam kong may mga adjustments pa silang gagawin sa makina ng kotse, at sila nang bahala dun, trabaho nila yun. Basta ko magdadrive lang at ipapanalo ang karera.

Matapos ko maghugas ng kamay ay lumabas na rin ako ng CR.

Halos malaglag ang puso ko nang makita ko ang isang babae na nagwawala sa may track at sa tapat pa mismo ng kotse ko. Oh no! Not my car!

Hindi ako papayag na magasgasan yun! Ni ayoko ngang dinidikitan yun ng kung sino eh! Kahit ng isang daliri nang kung sino man lang. Anak ng tupa naman oh!

Dali dali akong lumapit maski na nakikita kong pinipigilan sya ng mga crew ko. May isang lalaki din dun na pilit syang kinakalma.

"I told you , Jareth! Hindi ako makakapayag na magbalikan nanaman sila! Over my dead. Gorgeous. Body!"

Its as if the whole world stopped spinning nang makita ko kung paano hinampas ng babaeng yun ang hawak nyang steel chair sa kotse ko. Holy Crap!

Nagpanic ang mga tao at agad na ininspeksyon ang kotse ko.

"What? Are there any damages?!" nagaalalang tanong ko. Agad akong lumingon sa kinatatayuan ng babe kanina. And surprise! Wala na sya dun.

Shit! Nasan na yung amasonang babae na yun?!

 

"She's gone." lumapit sakin yung lalaki na nakita kong umaawat kanina dun sa amasona.

 

"Who the hell is she?! Tingnan mo ginawa nya!"

 

"Pasensya na, idol." kakamot kamot sa batok na sabi nito sa kin. "She's uhh.. Lavinia, my g-girlfriend."

Tumaas ang kilay ko. Girlfriend daw nya? Eh ano yung pinagsisisigaw nung babaeng yun kanina? Pinaglololoko ba ‘ko nito?

Wicked Ways 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon