Chapter 34

899 26 0
                                    


Charlie

"Good morning, Char!"

Nakaupo ako nun sa may ibabaw ng kitchen counter, munching on an apple when my bestfriend came in. May dala nanaman siyang groceries at malamang tulog pa ko nung umalis siya.

"Aba himala!"

Napamaang ako nang lumapit siya sakin at ilapag ang paper bags ng grocery sa tabi ko. Mukhang good mood ata ang loko? I wonder. Saka andami niyang pera, ha? At madalas na siyang nawawala sa bahay at gabi na umuuwi? Di naman siguro nageescort service 'tong lalaking 'to?

"Mukhang hindi ata alak ang inaalmusal mo ngayon?" nakangiti siyang naupo sa isang stool sa harapan ko at ipinatong niya ang mga braso sa hita ko.

"Ilang araw na kong hindi umiinom, ano ka ba? Palibhasa palagi kang wala." I pouted at him. And yeah, you read it right. Ilang araw na kong tumigil sa pag inom at pagmumukmok. Sa monday magstastart na ulit ako ng trabaho sa kumpanya ng daddy ko.

Yes, bati na kami pero dito parin ako nagsi-stay sa bahay namin ng bestfriend ko. My dad apologized for the way he treated me all these years. Ngayon niya narealize na dapat pinabayaan na lang niya 'ko sa mga gusto ko. Tumatanda na daw siya and he wants to spend the remaining years of his life with his complete family.

He's a proud father daw, na kahit sobrang tigas daw ng ulo ko, nagawa kong panindigan kung anong desisyon ko. Nakatayo ako sa sarili kong paa at hindi ako dumepende sa kung sino man. He apologized for every bad things that he said, masyado lang daw siyang nadala. Kumbaga natapakan ko daw ang pride nya dahil sa pagsuway ko sa kanya. Of course pinatawad ko siya, after all, he's my father. And these is all I've been waiting for in years, ang mabuo muli ang pamilya namin. Sayang lang kasi hindi pa kami nagkikita ni ate. Maingudngod ko lang siya sa sahig, kuntento na ko.

Kaya naman may rason pa ba ko para magmukmok? Kung ang dami namang dahilan para maging masaya ako ulit?

Oo, naaalala ko parin si Ram. I still miss him. Pero siguro hanggang dun na lang yun. I admit, I still cry myself to sleep at night, but I know for sure I'll get over that somehow.

"Sorry, bes ha? Hindi tuloy kita nababantayan." Jareth looked so adorable while pouting and leaning on my thighs.

Nakangiting pinisil ko ang ilong niya. "San ka ba kasi nagsususuot? At bakit parang ang dami mo yatang pera?"

My eyebrows shot heaven wards when Jareth blushed. "What the actual f*ck, Jareth James Aragon, are you blushing?!"

Tumayo siya at tumalikod sakin. "Hindi! Siraulo!"

"Anong hindi?! Don't tell me-" hinablot ko siya sa braso para tumingin ulit siya sakin, I looked at him narrowingly. Maya maya ay biglang nanlaki ang mata ko. "Nageescort service ka?! It's either that o.. Oh my God! Bes!!"

"Grabe ka!" pinandilatan nya ko at tinulak nya ko bigla sa balikat ko. "Sobra ka naman makapagisip sakin, thank you ha?" sarkastikong sabi niya.

I rubbed my shoulder. "Makatulak ka din eh no? Pag nabagok ulo ko dito, tinamaan ka ng magaling!" inirapan ko nga.

"Eh ikaw eh!"

"And what do you expect me to think?! Wala ka namang sinasabi sakin?"

"Bumalik na ko samin."

I stared at him open mouthed. Nakayuko lang sya habang nakatayo parin sa harap ko. "You did what-?"

"Umuwi na ko sa bahay and Dad gave me a job."

"No shit?"

He pursed his lips and shook his head. Wow! Totoo nga? Umuwi na siya sa kanila? Bakit? Anong meron? Parang nakakabigla naman yata to. Anong pumasok sa isip niya at bigla siyang umuwi na lang sa kanila? Akala ko ba wala na siyang balak na umuwi kahit kelan?

Wicked Ways 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon