Chapter 6

1.2K 39 1
                                    


Jareth

"Bes, naempake mo na ba yung briefs mo?!" pasigaw na tanong ni Charlie sakin. I rolled my eyes. Napaka balahura talaga ng bibig nitong babaeng to, kaya kame natsitsismis sa kabilang unit eh.

Pumasok ako sa loob ng silid ko kung saan sya namamalantsa ng mga damit ko.

Sadyang napakasweet talaga ng bestfriend ko. Ang swerte ng mapapangasawa ng animal na 'to. Tsk.

Maganda, sexy. Ay mali! Super duper sexy pala! Tingnan mo naman, mamamalantsa lang nakatapis lang sya ng tuwalya. I wonder if she's even wearing anything inside?

Natawa 'ko sa naiisip ko. Kadiri.

"Hoy, what are you ogling at?" sikmat nya sakin.

"Sinisipat ko lang para kaseng di pantay yung boobs mo." natatawang sabi ko na ipinapasok na sa maleta ang mga boxers ko.

Inangilan nya ko. "Napaka manyak mo, Jareth James! Baka gusto mong mukha mo plantsahin ko?"

"Bes naman! Mapagkakakitaan pa natin tong pagmumukhang 'to!" tudyo ko sa kanya.

Sya naman uumirap lang. "Sana binenta na lang natin ang dangal mo dun sa bakla sa kanto, para may pambayad tayo sa utang mo kay Ram!"

(No offense po sa mga gay people out there :) )

Tinupi ko na ng tahimik yung mga damit na dadalin ko sa palawan, mamaya na yung flight namin ni Lav pero ngayon lang ako nageempake. Sipag ko eh noh? Hindi ko na lang pinansin yung huling sinabi ni Charlie. Alam ko naman kase na nagtatampo parin sya sa ginawa kong pagpayag sa pagtira ni Ram dito at sa pangiiwan ko sa kanya. Baka kung ano nanaman ang masabi ko, dagdagan pa nya yung black eye ko.

"Ilang araw ka ba talaga sa palawan at ang dami mong dala? Parang di ka na babalik ah?"

Nahimigan ko ng kalungkutan yung sinabi na yun ni Charlie. Kahit naman ako nagdadalawang isip na iwan sya dito. Im sure, i wont be able to enjoy that freakin vacation, hindi lang dahil alam kong aalilain lang ako ni Lav dun at lalung lalu na dahil maiiwan ko si Charlie dito kasama yung idol kong car racer, kalahati ng utak ko maiiwan dito dahil sa sobrang pagaalala sa kanya.

The truth is I dont trust the air in Ram. Alam kong babaero yun. Besides, I'm a guy too. And having a woman like Charlie parading in this apartment with almost no clothes on, like shes used to even with me around, is like one helluva temptation!

"Char, pag wala ako dito, mag ayos ayoos ka ng pananamit mo ha?" binato ko sa kanya yung panty nya na napasama sa mga damit ko. "I dont want you struting around here naked."

"I never strut around here naked." isinuot muna nya yung binato ko sa kanya bago ako tinulungan sa pagsasara ng maleta ko. Sabi ko na nga ba wala syang suot sa ilalim ng twalya na yun eh.

I sighed. "Almost naked."

Tumango lang sya. Nasa mata nya ang kalungkutan at pagaalala.

Kung pwede lang kase na iatras sana tong trip na to, para mabantayan ko si Charlie hanggang umalis dito sa bahay si Ram. Pero ilang beses na kong nakiusap kay Lav, at ayaw pumayag ng bruhilda. Binato pa nga nya ko ng rice cooker nung nakaraan dahil sa kakulitan ko.

"You take care of yourself bes, alright?" lumapit ako sa kanya saka hinawi ko yung hibla ng basang buhok na tumabing sa mukha nya.

"You too." sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. Niyakap ko naman sya. Wala namang kaso kung ang twalya na yun lang ang nakapagitan saming dalawa, dahil wala rin akong suot na tshirt, just my boxer shorts. Never naman nagkaroon ng malisya sa pagitan namin. She's like a sister to me.

Wag na wag lang magkakamali ang Ram na yun na dalihin ang best friend ko. Magkakandaletse letse sya. When it comes to Charlie, over protective ako. Siguro dahil wala akong kapatid na babae? I dont know. But Charlie has a soft spot in me. Simula pa nung una ko syang makilala, alam ko na, na magkakaroon sya ng malaking puwang sa puso ko. She has been my family since then.

Charlie

Nanghina ako bigla nang isara ko ang pinto ng apartment namin. Umalis na si Jareth. Hindi na sya nagpahatid sakin at magtataxi na lang daw sya, makakaabala lang daw sya dahil may pasok pa ko sa trabaho. He even made a joke out of it, madalas kase kaming itirik ng truck ko. Baka maiwan daw sya ng eroplano kung sakali.

I sighed. Tae naman kase hindi ako sanay na wala yung kumag na yun dito sa bahay!

Mamimiss ko sya.

Pero syempre hindi ko na yun sinabi pa sa kanya. Hindi kase kame vocal ni Jareth when it comes to our feelings. Basta alam na nya yun!

Ang masama pa kase nito, iniwanan ako ng problema nun eh. Ram will be arriving today, that scheming son of all bitches! Grrr!

Napabuntong hininga na lang ako ulit at pumasok na sa kwarto ko para magbihis, baka malate ako sa trabaho pag di pa dumating yung manyak na yun ngayon.

Ayun nga, nasa kalagitnaan na ko ng pagsusuklay nang marinig ko yung doorbell.

For sure naman ay si Ram na ito kaya hindi na ko nagabala na sumilip pa sa peephole. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad na agad ang malaki nyang bulto, as expected.

"Hi!" masigla nyang bati.

"Hi." bored na sagoti ko, i held the door open para makapasok sya. Tapos ay sinara ko na yun at naglakad na pabalik sa kwarto ko.

"Si Jareth?" tanong nya.

"He's gone."

"Oh, early flight huh?" aniya. Nagaayos na ata sya ng gamit. Ewan! Di ko naman sya tinitingnan. Pero parang aware naman ako sa ginagawa nya. "Where are you going?" he asked again.

"Work." sinukbit ko na sa balikat ko ang backpack ko. "There's food on the fridge, you know Jareth's room already, you can put your things there. I already changed the linens and everything. So you got nothing to worry about."

"Cool. Magaling ka pala magasikaso?" napatingin ako sa kanya and he was smiling at me. So, kailangan talaga ngiting ngiti sya at kitang kita ang mga pantay pantay at mapuputi nyang ngipin? Ano 'to? Commercial ng toothpaste?

I just shrugged then head towards the door. "Oh before i forgot," lumapit ako sa kanya. "Here's your key. Wag mo iwawala!"

I dropped the key in his hand. Avoiding unnecessary contact.

"Yes ma'am!" sumaludo pa sya sakin.

Paalis na sana ko nang tawagin nya ko ulit. "There's one more thing you forgot!"

"What?" kunot noo akong pumihit palingon sa kanya.

"Kiss ko?" nakanguso pa ang loko.

Inirapan ko na lang sya. Huh! Di porket mabango sya at sadyang naguumapaw ang sex appeal sa suot nyang simpleng gray shirt, cargo shorts at sneakers at makakachansing na sya sakin? ASA!

"Where do you work nga pala?"

"It's none of your business." isasara ko na sana ang pinto pero pinigil nya yun, pinabayaan ko lang sya at naglakad na ko palayo.

"Maybe i can drive you there?" pahabol na sigaw nya mula sa pinto.

"No thanks!" I waved him off and continued walking away without a second glance.

Kung ako sa kanya titigilan ko na ang pagpapacute nya sakin. It won't get him anywhere! 

Wicked Ways 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon