Chapter 15

1.2K 34 0
                                    


Charlie

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong initsa sa ere ang apple na hawak ko, I don't know but I just kept on doing it. Until Ram snatches it from me.

"Ano ba?!"

"Malalamog!"

"So?"

"Grabe, ang aga aga, ang sungit mo!" kagigising lamang nito, halata naman sa 'just got out of bed' hair niya.

Nagtungo siya sa lababo at hinugasan ang apple na kanina lang ay jinajuggle ko sa ere. He took a knife then sliced it in portions. Nilagay nya sa platito iyon at hinain sakin.

I grudgingly took one slice then put it in my mouth. I absentmindedly chewed it, bago ko marinig ang tawa ni Ram.

"You are not so happy this morning." naupo sya sa harap ko at nakikain ng mansanas. "What's wrong?"

"Wala."

"Wala?" he snickered. "Muka kang napapano na dyan tapos wala?"

"Wag ka ngang makulit!" angil ko sa kanya.

Tumawa lang ulit sya. Ibang klase din talaga tong lalaking to. Parang wala siyang iniisip na problema, parang lahat ng bagay, naidadaan niya sa tawa.

"What do you wanna eat? Baka naman gutom ka lang," tumayo siya. "Magluluto ako."

Pinagmasdan ko lang siya habang nakatalikod siya. Napaka easy ng movements niya sa kusina. Ang cute nga tingnan eh. Maya maya pasipol sipol na siya habang nagluluto.

"Bakit parang napakagaan ng lahat ng bagay sayo? It looks like you have a very easy life." I suddenly said. "Para kang walang problema."

"How can you say that?" his voice is full of amusement. "Syempre lahat ng tao nagkakaproblema."

"Para kaseng ikaw wala!" I scowled at him, kahit nakatalikod siya.

"Nasa paraan lang yan ng pagdadala." he said. "Alam mo yung sabi nila? Lahat ng mabigat, gumagaan pag binibitawan. Why would I carry my problems around when I can just put it down? Babalikan ko na lang pag may time na akong problemahin sila." he laughed.

Napanganga ako. Kahit pa kalokohan yun sinabi nya bandang huli, it actually made sense.

"But I usually don't have time to worry about my problems," he added. "You know, I got races to win, women to lay," nagkatawanan kameng dalawa, trust Ram to say those things kahit pa siryoso ang usapan. "Kaya naiiwan ko na lang kung saan ko binitawan yung mga problema ko. And you know what? Some of them just disappears on their own."

Napangiti naman ako. Kung tutuusin, kahit pa sikat na personality si Ram, napakasimple lang ng tingin nya sa buhay. And that's one of the things I envy from him.

"Kaya ikaw, kung ano man yan, let it go." nilapag nya ang agahan namin sa harap ko. "It wouldnt help to carry around that burden, youre just gonna go gray before your time."

I smiled at him. "You're right."

"Tara, chibugan na!"

Habang kumakaen kame ay pinagkukwentuhan namin ang mga nangyare sa bahay nila kagabi, halos madaling araw na ata kame umuwe kase ayaw kaming paalisin ng mommy nya. Sobrang kulit nga eh.

Madalas naman daw umuwi si Ram sa mansion pero bihira daw na may kasama siyang babae kaya sasamantalahin na daw nila.

Hindi maipagkakaila na gusto talaga ko ng family ni Ram. Well I like them, too. Family friend na daw ako, since ayaw naman daw namin umamin na magkasintahan kami.

Wicked Ways 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon