Chapter 19

1.1K 35 1
                                    

Charlie

It was my first day at work. And immediately decided that I like it here.

Sa clinic ako nakaassign with a girl named Ise. Actually, her name is Paradise, nickname n'ya yung Ise. Dalawa kameng secretary dun. S'ya kay Doctor Mitt de Vega and ako syempre kay Draegan Gonzales.

Drae is very nice. Hindi na nakakapagtaka na crush s'ya ni Ise. Gwapo naman kasi s'ya eh, palangiti pa kaya naman kay daming mga pasyente ang kilig na kilig sa kanya.

How was your first day?

Text yan galing kay Ram. Almost five na kasi, and until five lang ang clinic hours ni Drae.

Nagreply naman ako, Good. Again, tnx to u.

Actually, medyo naiilang pa ko kay Ram. Kahapon kasi muntik na n'ya 'kong halikan. Ang masama kasi dun, hindi ko nagawang umiwas, instead inanticipate ko pa! Napapikit pa nga ako eh!

I would be lying to myself kung sasabihin kong ayokong halikan ako ni Ram. I mean, attracted ako sa kanya. At pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ginawa n'ya para sakin these days, maiiwasan ko ba na medyo magkagusto sa kanya?

Aaminin ko na, I really like Ram.

And I know that it's wrong. Honest to goodness, very wrong. Isinumpa ko pa man din sa sarili ko na hindi na ko magkakagusto pa ulit sa isang player. Pero eto nanaman ako.

Simula ng makita ko na may magagandang qualities din naman si Ram, yun pagiging malambing at mapagmahal sa family. Yung pagiging maasikaso n'ya sa'kin. I couldn't believe at first that he has a gentle side, too, pero meron. Kahit pa hindi nya sinasadyang maging mabait minsan.

Just dont let him too close, Charlie. You'll be fine .

Hanggang like lang ako. Besides, hindi naman na siguro magbblossom pa sa kung anong nakakatakot tong nararamdaman ko diba? Jareth will be back soon. At aalis na rin si Ram. After that, I won't see him anymore.

But though I find the thought comforting at some levels, nakaramdam parin ako ng konting lungkot. I won't see Ram again. I won't hear his energetic voice in the morning, I won't see his winsome smile, hindi na n'ya ko mapagluluto.. Ngayon pa lang namimiss ko na s'ya.

Ano ba, Charlie! Tumigil ka nga, for crying out loud! He's a playboy and you are allergic to playboys! Remember?

Ram is no different. When he gets what he wants, he'll be out of the door. Ako ang maiiwang luhaan. I have to be really, careful!

I glanced at my phone again. May message ulit si Ram.

Ur welcome, hon ;) we have to celebrate later. I'll wait for u at the apt. See u;)

How can I resist him when he's all winky and stuff? I sighed. I decided not to reply so he would understand that I don't want to commit.

Pero aarte pa ba ko? Ako na nga iniinvite nung tao eh. Ako na yung ginawan nya ng favor.

"Charlie.." untag ni Ise.

"Oh bakit?"

"May night out kame mamaya, gusto mo bang sumama?" nakangiting paanyaya n'ya sakin.

Ngumiti lang ako. "I think I'll have to pass, Ise. May naghihintay kase sakin sa bahay eh."

She giggled. "Your boyfriend?"

"Huh?" nagulat ako. "No! Hahaha just a friend."

"Hmmm.. Okay." she said. "Pero next time ha? Kailangan sumama ka na."

I nodded at her.

"Charlie?" nabigla ako sa pagsulpot ni Draegan sa reception, nakatanggal na ang lab gown nya at naksuot na lamang sya ng long sleeves at slacks. "It's five. Are you ready to go? Sabay na tayo."

Wicked Ways 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon