Chapter 1
Sikreto
I was on the verge of crying out loud right there on the damn public when the ambulance passed by and I saw him at the other side of the street smirking at me. He's freaking alive and unscathed!
Patakbo akong tumawid at hindi na napigilang paghahampasin siya ng libro habang unti-unting umaagos ang mga luha ko. "Fuck you, Harper! Tangina mo! Huwag ka ngang gan'on!"
Pero imbes na magseryoso ay humalakhak pa siya na lalong ikinainis ko. Pinagtitinginan na kami ng mga taong malapit sa kinatatayuan namin.
Niyakap niya ako at tumatawang pilit na pinupunasan ang mga luha ko gamit ang kanang hintuturo niya. "Tahan na, Ari. Tinitignan ka na nila, oh. Ang pangit mo pa naman umiyak."
How can he freaking act like this?! How can he be still freaking playful?!
I glared at him with tears still streaming down my face. "Parang sasabog ang puso ko sa kaba kanina, Harper! Tangina mo!"
Fuck. I don't know what I would do if something bad really happened to him. Hindi ko ata kaya!
Lumambot ang ekspresyon niya. "Sorry na. Hindi na mauulit. Stop crying, Ari."
Naiinis na hinablot ko sa kanya ang mga gamit ko. He was so surprised by my sudden boldness that he wasn't able to react. "Talagang hindi na mauulit dahil hinding-hindi na ako sasama sayo! Bahala ka sa buhay mo!"
Panay ang palis ko sa bawat luhang pumapatak habang mag-isa akong naglalakad. Hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ng malakas ang puso ko. Maging ang abot-abot na kaba at panginginig sa muntikan niyang pagkadisgrasya ay ramdam na ramdam ko pa.
If that was one of his jokes then he must know that it wasn't funny! I can't imagine losing him like that! On my very fucking sight!
"Ari..."
There was gentleness and regret in his voice. Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin pero hindi ako nag-abalang lumingon sa kanya. Patuloy akong naglakad kahit na bahagyang pinagtitinginan ng mga taong nakakasalubong dahil sa mga luha kong patuloy na umaagos.
"Ari, sorry na."
Bakit siya sa'kin humihingi ng tawad?! Ano bang magagawa ng sorry niya kung natuluyan nga siya kanina?! Sometimes, I really can't understand Harper Esquivel even when he had been my best friend for years.
I continued ignoring him until we got home. Hindi siya tumabi sa'kin sa tricycle at hindi na rin nakisabay sa bawat lakad ko. Nanatili na lang siyang nakasunod sa'kin and that was a good decision dahil baka masaktan ko lang siya kapag paulit-ulit niya lang akong kinulit.
"Bakit ka umiiyak, Ari?" salubong ang kilay na tanong sa'kin ni mama pagkatapos kong magmano. Kaagad niyang tinanaw ang lalaki sa likod ko.
"Wala, Ma. Magpapahinga na po ako."
I was already closing the door of my room when I heard my mother asking Harper. I didn't bother to eavesdrop anymore.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at napaiyak na lang muli nang paulit-ulit na mag-replay sa utak ko ang nangyari kanina. Iyong kaba, mistulang pagtigil ng paligid, pintig ng puso... all of those are still fresh on my mind. Hindi ko na ata iyon maaalis sa sistema ko.
Damn you, Harper.
Hatinggabi na ayon sa umiilaw na orasan sa study table ko. Malalim na ang gabi at wala na akong ibang marinig kung hindi ang ingay ng electricfan ni Mama sa kabilang kwarto, ang huli ng mga kuliglig at ang malalayong tahol ng aso mula kung saan.