Chapter 4
Destined
Gabi na nang makauwi si Mama mula sa trabaho niya nang sumunod na araw. Nagt-trabaho siya bilang katulong sa isang mayamang pamilya. Pumapasok tuwing alas singko ng umaga at umuuwi ng alas syete ang gabi.
"'Nak, may balita nga pala ako sa'yo."
Nilingon ko siya habang binubuksan ang mga tupperware na dala niya na ipinabaon daw sa kanya ng amo niya. Limang tupperware iyon at dalawa pa lang ang nabubuksan ko. Ang una ay may lamang kanin. Ang ikalawa ay may laman naman na adobo. "Ano 'yon, Ma?"
Birthday daw kasi ng anak ng amo niya at naghanda ng marami. Marami rin namang natira kaya ipinabaon na sa kanya dahil masisira lang daw doon.
Nakangiti siyang lumapit sa'kin at tumayo sa harap ko, sa gitna naming dalawa ay ang maliit at pabilog na mesa. "Nag-apply kami ng mga kaibigan ko bilang OFW, 'nak!"
I suddenly stopped opening the lid of another tupperware. I looked at her, processing what she had just said. Because she didn't tell me about it. Palagi naman siyang nagkwe-kwento sa'kin at gan'on din ako sa kanya kaya nga malapit kami. Pero hindi niya sinabi sa'kin kahit kailan ang tungkol sa bagay na 'to.
Napabuga ako ng hininga at nawawalan ng ganang hindi pinansin ang mga tupperware na may lamang pagkain na nagpapasaya pa sa'kin kanina. "Bakit hindi mo sinabi sa' kin, Ma?"
Inabot niya ang kaliwang braso ko at marahang hinawakan iyon na para bang pinapakalma niya ako sa ganoong paraan. "Kasi, anak, natakot akong baka hindi ako matuloy kapag sinabi ko agad sayo. Gustong-gusto ko kasing mag-abroad para mas mabigyan kita ng magandang buhay lalo na ngayong dalawang taon na lang ay college ka na. At ang pagiging OFW lang ang nakikita kong paraan sa ngayon dahil mas mataas ang sahod ng mga namamasukan sa ibang bansa kaysa rito."
"Pero, Ma..."
"Anak, ginagawa ko lang naman 'to para sayo," malungkot na ngiti niya. "Gusto kitang bigyan ng magandang buhay at mapagtapos ng pag-aaral sa kung ano mang kursong gusto mo."
I want to argue with her. I want to tell her that she can do all those things while she's beside me. Pero alam ko ring hindi ko mababago ang isipan niya.
If there's one thing about my mother that I admire the most, it's her certainty. Kung ano ang gusto niya ay iyon ang paninindigan niya. Na para bang siguradong-sigurado siya sa lahat ng bagay. But for once in her life, she failed being certain... with my father.
"Tita Rianne's just doing it for you, Ari. Besides nandito naman ako na magpapalit sa kanya sa pag-aalaga sayo kapag umalis na siya," pag-comfort sa'kin ni Harper habang yakap ako.
I cried to him for the nth time. Siya na lang lagi ang tinatakbuhan ko sa tuwing luhaan ako.
I wish I can turn back the time where I am the one comforting him. Baka kasi nagsasawa na siya sa paulit-ulit na pagpapatahan sa'kin. At least ako, sigurado ako sa sarili ko na hinding-hindi ako magsasawa sa pagpapatahan sa kanya kahit ilang beses pa siyang umiyak.
But time really does changes everything. And I can't return the clock neither go back to the past now that I've been fighting in this present.
Humiwalay ako mula sa yakap niya at inabot ang kapeng tinimpla niya kanina. Sumimsim ako at matipid na napangiti. Binalingan ko siya. "Hindi ka talaga marunong magtimpla, Harp."
Hatinggabi na at nanatili muna ako sa bahay nila. Nasa sala kami at magkatabing nakaupo sa sofa sa harap ng naka-on ngunit naka-mute na TV. Tahimik na ang buong bahay pati na rin ang buong paligid. Si Tito Harold ay hindi pa umuuwi dahil nag-overtime na naman habang sina lola at lolo ay kanina pa nagpahinga.