Chapter 5

21 1 0
                                    

Chapter 5

Deal

Panandalian akong tumigil sa pagsusulat ng script dahil masyado akong naging abala sa gitara. Pakiramdam ko rin ay walang tama sa lahat ng sinusulat ko.

I'm still stuck on the fifth chapter. So, for the mean time I want to master playing the guitar. Lalo na at nag-request ng performance sa'kin sina mama at ang pamilya ni Harper dahil sa pangunguna ng lalaking iyon. Buti na lang ay nairaos ko naman kahit papano. I was really nervous the first time I performed in front of them but all my nervousness flew away when they complemented me and asked me to sing for them again.

"Dad bought me a bicycle."

Sinulyapan ko si Harper habang patuloy sa pagkaskas ng gitara. "Bisekleta? Para saan naman?"

Tanghali at nakatambay kami pareho sa duyan sa likod ng bahay namin dahil naiinitan kami sa loob. May aircon naman sa kanila pero dahil tinatamad akong pumunta sa kabilang bahay ay siya na ang nag-adjust at pumunta rito sa'min.

Umalis ulit si Mama dahil may kailangan pa raw silang i-follow up sa agency nila tungkol sa pag-alis nila papuntang Quatar kaya kaming dalawa lang ang nandito.

Nagkibit balikat siya at umayos sa pagkakahiga habang nakatingin sa gitara. "Para raw mapadali ang pagpunta ko sa eskwelahan. And since I am not yet eighteen to acquire a license for a motorcycle or car ay pagtiyagaan ko na raw muna iyong bisekleta."

Umayos ako sa pagkakaupo sa gilid niya at tumigil sa ginagawa para simangutan siya. Gumalaw ang duyan dahil sa naging kilos ko. "So I'll be alone from now on, huh?"

He chuckled and raised his gaze from the guitar to my face. "Come on, Ari. Kailan ba kita iniwan?"

Napanguso ako, bahagyang na-gu-guilty nang mapagtanto na hindi niya nga ako iniwan kahit kailan pero ako ay iniiwan siya nang basta-basta na lang.

Humalakhak siya at ginawang unan ang kanang braso. "I know that face. Guilty of something? Hmm?"

It's really annoying sometimes how he knows me so much. Nakakatuwa dahil alam niya ang totoong ako. But scary at the same time because I can't keep any secrets from him. And what's even more scarier... is that he has the power to destroy me since he knows every little thing about me.

But I have known Harper for years and he's not like that. Well, I hope so.

"Ilang taon nga ulit ang kontrata mo doon, Ma?" tanong ko kay Mama habang pinapanood siyang nag-i-impake na ng mga gamit niya.

I want to help her but I really can't stand doing it. I can't help packing her things since that only means that she's really going away and leaving me here... behind. Kapag tinulungan ko siya sa pag-i-impake ay pakiramdam ko nangangahulugan din iyon na itinutulak ko siya palayo.

I want her to stay. I will always want her to stay. But she doesn't want to do the same thing.

"Dalawang taon lang muna ang kinuha ko, 'nak," tugon niya, nakangiti sa'kin kahit na naglalagay ng mga damit sa maleta. "Susubukan ko muna at kung magiging mabuti naman ang mapapasukan ko ay saka na lang siguro ako babalik para makipagkontrata ulit. Basta pagkatapos ng dalawang taon ay uuwi muna ako para sa'yo."

The day she'll leave will also be the first day of my class as a senior high. Nalulungkot talaga ako kahit na ini-imagine ko pa lang na sa pag-uwi ko galing sa eskwelahan sa unang araw ng klase ay wala akong madadatnang ina. Wala akong pagmamanuhan pag-uwi ko sa bahay. Wala akong madadatnan na magtatanong sa'kin kung kamusta ang unang araw ng eskwela habang pinapanood akong kumain ng inihanda niyang meryenda.

Don't Stay AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon